Paulo ‘perfect boyfriend’ para kay Jodie Tarasek
TWO years na pala ang relasyon ng Kapamilya actor na si Paulo Avelino sa Filipino-Australian model na si Jodie Tarasek.
Nakachikahan namin ang girlfriend ni Paulo sa relaunch ng Aksyon TV na tatawagin na ngayong 5 Plus, si Jodie ang nagsilbing host sa nasabing event na dinaluhan din ng mga TV5 executives sa pangunguna ng President at CEO ng Kapatid Network na si Chot Reyes.
Kuwento ni Jodie, masaya siya sa piling ni Paulo at saludo siya rito bilang mapagmahal na boyfriend, “I wish I could tell you something that he does to irritate me, but he is a great boyfriend. Super bait.”
Okay lang daw sa dalaga kung hindi masyadong nagkukuwento si Paulo sa press pagdating sa kanilang relasyon, “I kind of like it that way. I think it’s good to. I think that also attributes to why we’re so happy as a couple because we keep a lot of things private. So, I’m okay with that.”
Tanggap na rin niya ang pagiging tatay ng aktor, sa katunayan ilang beses na rin niyang naka-bonding si Aki, ang anak ni Paulo kay LJ Reyes, “At first, obviously, anyone who finds out that. I mean, I’m young, and obviously when I first found out, ‘Oh, my God, he has a son!’
“Then you realize, it’s a child and he’s the most sweetest boy, so there’s really nothing to it. You wouldn’t not hang out with someone or date someone just because they have a child. That doesn’t make them any less of a good person,” aniya pa.
Nang matanong kung handa na ba siyang magpakasal at kung si Paulo na nga ang “the one”, sagot ni Jodie, sana raw ay ang aktor na ang kanyang “forever”. Seryoso naman daw sila sa kanilang relasyon at ipinagpe-pray nila na sa kasalan din mauuwi ang lahat.
Beach wedding daw ang type niyang kasal sa isang malayong isla at mas gusto niya ‘yung intimate lang at sana raw ay dito lang sa Pilipinas dahil napakarami rin daw magagandang lugar sa bansa na pwedeng wedding venue.
Samantala, magiging bahagi rin si Jodie ng ilang events and shows ng 5 Plus kaya asahan nang magiging aktibo rin siya sa pagtatrabaho ngayong 2019.
Pero aniya, wala pa sa priorities niya ang maging artista dahil feeling niya hindi pa niya keri ang umarte sa harap ng camera. Ipauubaya na lang daw muna niya kay Paulo ang akting.
Ang 5 Plus ang magiging sister sports channel ng TV5 kung saan mapapanood ang iba’t ibang sports-content programs na ang target audience ay mga kabataan.
“We are excited to start the new year with the launch of 5 plus. The intent was to create a home for what we called a typical sports-titles with a highly engaged audience base that don’t typically receive visibility of the scale,” ani TV5 president Chot Reyes.
Dagdag pa niya, “Expanding our sports coverage also enables us to attract a new audience, the younger sports fan.”
Mapapanood sa 5 Plus ang mga X-Sports tulad ng skateboarding, freestyle BMX at ilang mga international e-sports competition tulad ng The Nationals, featuring games such as Dota 2, Mobile Legends and Tekken.
Para naman sa mga sports fans, 5 Plus will broadcast the National Basketball Training Center League (NBTC), National Cheerleading Championship (NCC) and many more. Ang simulcast naman ng Radyo5 news programs sa Aksyon TV ay mapapanood na sa CIGNAL.
Ayon pa kay Chot Reyes, ang pagpalit ng pangalan ng Aksyon TV ay isa sa mga hakbang ng network para i-level up ang timpla nito para sa mga manonood.
“A young dynamic design language was developed to represent the new programming and target audience. Music identity and sonic branding were also created to complement the visual changes of our channel,” sabi pa ni Coach Chot.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.