Facebook account ni Arnell biglang nabura: Ano’ng violation ko?

By Alex Brosas January 13,2019
share this

Facebook account ni Arnell biglang nabura: Ano’ng violation ko?

By Alex Brosas January 13,2019
share this

ARNELL IGNACIO

NABURA  ang Facebook account ni OWWA Deputy Admin Arnell Ignacio.

Sa isang interview niya kay Mocha Something ay ito ang kanyang pahayag: “Biglang na-disable, hindi na ako nase-search. Kaya ako ay nagugulat kung ano’ng nangyari sa…Tapos noong una kasi blocked lang.

January 1, io-open uli. Kaya lang nu’ng January 1, sinabi na sa akin na the decision is final.

“Doon ako na-shock. Wala naman akong naisip na matinding violation. Usually, kung may violation hindi ba wawarningan ka lang,” he said.

When asked kung ano mga pino-post niya which would have triggered the deletion of his FB account, Arnell said, “Basta ang huli kong posts ay tungkol lang sa akin yun, eh. Ang pinakanaalala ko siyempre magpo-post ako tungkol kay Leni (Robredo). May lumabas lang sa feed ko na nakalagay ‘yung Miss Universe Miss Useless. Hindi naman ako hindi naman galing sa akin ‘yun, eh. Natawa lang ako kaya shinare ko. ‘You work hard for this?’ Hindi ko rin alam kung iyon ‘yung ano. Wala kasi akong maisip na pinost ko na…”

Sa huli ay hoping si Arnell na mababalik ang kanyang FB account, “Sana naman (maibalik). I’ve got so many years of memories doon. Ang tagal-tagal na (ng Facebook account ko) tapos biglang aalisin lang nang ganoon na hindi ko alam kung bakit.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending