Catriona dedma muna sa dyowa: I just want to focus on the year ahead... | Bandera

Catriona dedma muna sa dyowa: I just want to focus on the year ahead…

Ervin Santiago |January 10,2019
facebook
share this

Catriona dedma muna sa dyowa: I just want to focus on the year ahead…

Ervin Santiago - January 10, 2019 - 06:17 PM

SORRY na lang sa mga nangnenega sa relasyon nina Miss Universe 2018 Catriona Gray at hunk model-actor Clint Bondad.

Marami kasing fans and social media followers ni Catriona ang nagtatanong kung totoo ang tsismis na naghiwalay na ang dalawa dahil nawalan na ng panahon ang dalaga sa kanyang boyfriend.

Nagsimula na ang official reign ni Catriona bilang 2018 Miss Universe sa Amerika na tatagal ng isang taon. Nito lang nakaraang linggo ay sunud-sunod ang naging guesting niya sa mga sikat na talk show sa US.

Kaya ang tanong ng madlang pipol ay kung paano na ang relationship niya sa kanyang longtime boyfriend na si Clint na nagiging visible na rin ngayon sa mga showbiz events, kabilang na ang mga guest appearance niya sa ilang GMA shows.

Sa guesting ni Catriona sa American TV show na Good Day New York, natanong nga ang dalaga tungkol kay Clint na inilarawan pa ng mga host ng programa na “very cute.”

Narito ang tugon ni Cat about her boyfriend, “I just want to focus on the year ahead and thankfully he’s very understanding.”

Sa isang interview naman kay Clint sinabi nitong walang problema sa kanya kung isang taon silang hindi magkikita o magkakausap nang personal ni Catriona, hinanda na raw niya ang sarili sa ganitong senaryo mula pa noong sumali ang GF sa Binibining Pilipinas.

“This one year (pag-stay ni Catriona sa US bilang Miss Universe) is not much a long time by. I’ll just simply go with the flow,” ani Clint.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending