GUMUHO ang isang bahagi ng tulay na ginagawa sa bayan ng Pakil, Laguna kahapon, ayon sa Department of Public Works and Highways (DPWH).
Sinisi naman ng DPWH ang kontraktor sa nangyari.
Sinabi ni Nilo Gavia, district engineer ng DPWH sa Laguna, na bumigay ang tulay dahil sa kawalan ng mga scaffolding at support system habang nagbubuhos ang mga trabahador ng semento.
“There was insufficient scaffold and support that was why it collapsed. It’s not our fault but of the contractor,” sabi ni Gavia.
Aabot sa P15 mlyon ang pondo na inilaan para sa 9.5-meter bridge sa Barangay Burgos kung saan ang kontraktor nito ay ang St. Gerrard Construction General Contractor and Development Corporation, na may opisina sa Pasig City.
Wala namang nasaktan sa insidente.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.