Eto na naman po siya: Digong sa mga tambay sa kanto, 'holdapin, patayin mga obispo' | Bandera

Eto na naman po siya: Digong sa mga tambay sa kanto, ‘holdapin, patayin mga obispo’

- January 10, 2019 - 05:22 PM

WALA na yata talagang makapipigil dito kay Pangulong Duterte sa pag-atake sa mga alagad ng Simbahan.

Ngayon, hinihikayat naman niya ang the tambay sa kanto na “holdapin, patayin ang mga obispo” na dadaan sa kanilang harapan.

“Kaya pagdating ko sabi ko, “Hoy kayong mga tambay diyan, ‘pag dumaan ‘yang obispo ninyo holdapan ‘yan maraming pera ‘yan p***** i** niya.  Patayin mo,” chika ni Duterte sa kanyang talumpatau sa birth anniversary celebration ni Gov. Antonio Kho sa Masbate, na tinawanan naman ng mga nakikinig sa kanya.

Gayunman, iginiit ng pangulo na wala siyang anumang masamang loob sa Simbahan at maging sa mga pari, pero tinutuligsa umano niya ang mga ito dahil sa pag-aakusa sa kanya hinggil sa extrajudicial killings.

Noong Disyembre, hinikayat ni Duterte ang publiko na patayin ang mga obispo, na ayon sa kanya, ay pawang wala namang mga silbi.

Itinanggi naman ng Palasyo na seryoso ang pangulo rito, at sinasabing pawang mga biro lamang ito.

Sa kanyang speech, inatake muli ni Duterte ang kaparian dahil ginagamit ng mga ito ang pulpito para siya ikritiko.

“Itong pari, you know, do not use the pulpit,”

 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending