Buntis na young actress pinayuhang ‘wag magpalaglag

By Ambet Nabus January 11,2019
share this

Buntis na young actress pinayuhang ‘wag magpalaglag

By Ambet Nabus January 11,2019
share this

Ay, kalat na kalat na rin ang tsismis na umano’y nasa interesting stage ngayon ang isang young actress na nasangkot sa kontrobersya last year kasabay ng ilang projects na nagawa niya na pinag-usapan rin naman ng madlang pipol.

Non-showbiz ang napapabalitang boyfriend nito na mula sa angkan ng mga mayayamang negosyante from the South, habang ang mismong guy ay involved naman sa pang-mayamang sport.

Wala namang problema kung pregnant ang young actress basta ang mahalaga ituloy niya ito at huwag ipalaglag dahil sabi nga, isang blessing ang pagkakaroon ng baby.

Isa pa naman ang batang aktres sa mga sinasabing “future leading lady” at next big star ng kanyang network, pero if ever na true ang tsismis sa kanya, paano pa nga mangyayari ang mga ito?

Ang batang aktres din ang sinasabing isa sa mga dahilan kung bakit halos nauwi sa umano’y muntik na pagpapatiwakal at pagkakaroon ng depression ang isang batang aktor?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending