Tekla, Boobay haharapin ang bagong hamon sa ‘TBATS’

By Jun Nardo January 11,2019
share this

Tekla, Boobay haharapin ang bagong hamon sa ‘TBATS’

By Jun Nardo January 11,2019
share this

TEKLA AT BOOBAY

Hanggang ngayon ay hindi pa rin makapaniwala ang mga Kapuso comedian-TY host na sina Boobay at Tekla na mula online ay mapapanood na rin sa telebisyon ang The Boobay And Tekla Show. Ito ang kauna-unahang Kapuso online show na magko-crossover sa TV.

Sa interview ng GMA kay Tekla, todo ang pasasalamat nito sa mga bossing ng Kapuso Network,

“Sobrang swerte kasi alam mo maraming pwedeng gawing show, maraming may mga potential hindi ba, pero itong show namin, ‘di nga kami nag-e-expect, basta work lang kami nang work.

“Kumbaga hindi namin inaalintana kung anong magiging bunga niya. Kumbaga nag-invest kami dyan ng time, ‘yung effort. Nagulat na lang kami na ganu’n ‘yung response,” kuwento ng komedyante.

Dagdag pa ng dating co-host ni Willie Revillame sa Wowowin, “Sobrang thankful, sobrang blessed, sobrang challenged din at the same time itong napakalaking pagsubok or challenge sa career namin as comedians. Parang ito level up na ito kasi on national TV lalabas ka na..”

Agree naman dito si Boobay at mixed din ang emotions na napi-feel niya sa nalalapit na pagsisimula ng

The Boobay And Tekla Show o TBATS sa TV.

“Sobrang malaking pribilehiyo na mabigyan ng pagkakataon. Kasi dati kinakabahan-kabahan pa kami eh.

Na-validate ka na parang effective pala ‘yung ginawa mo.

“At least nakita ‘yung effort mo, ‘yung gusto mo, ‘yung purpose mo sa life nga na mas makapagpasaya pa ng mas malaking audience,” sabi ni Boobay sa panayam ng GMA.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending