Dennis kay Joshua: Wag mo lang sasaktan ang anak ko…

By Ervin Santiago January 11,2019
share this

Dennis kay Joshua: Wag mo lang sasaktan ang anak ko…

By Ervin Santiago January 11,2019
share this

DENNIS PADILLA AT JOSHUA GARCIA

Hindi diretsong sinagot ni Dennis Padilla ang tanong kung boto ba siya kay Joshua Garcia para sa anak na si Julia Barretto nang mag-guest sa GMA News TV talk show na Mars.

Sa segment na “Lightning Laglagan Round”, “buzzer sound” ang tugon ni Dennis sa tanong kung gusto niya si Joshua para sa anak, sabay ngiti. Mukhang hanggang ngayon ay kinikilatis pa rin ng komedyante ang binata kaya hindi pa niya masagot nang diretsahan ang tanong.

Pero aniya, ang tanging hiling lang niya sa magiging partner ng mga anak ay, “Mahalin mo lang ‘yung anak ko, ‘wag mo lang sasaktan, physically I mean. Well alam mo ‘yung emotionally kasi ‘di mo talaga mako-control. Pero ‘yung phyiscally mako-control mo ‘yon. Okay lang naman na masaktan ka tapos umibig ka ulit basta wala lang physical abuse at verbal abuse, kasi trauma ‘yon.

“Pero siyempre mas gusto mo na rin na ‘yung magiging boyfriend o asawa ng anak mo, gusto mo naman may stable job. Hindi naman kailangan na mayaman siya, basta may stable job at alam mong masipag, okay na iyon,” aniya pa.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending