Angelica lalayuan na si Carlo: Maayos ang samahan namin, sinira n’yo lang!!!

By Ervin Santiago January 11,2019
share this

Angelica lalayuan na si Carlo: Maayos ang samahan namin, sinira n’yo lang!!!

By Ervin Santiago January 11,2019
share this

ANGELICA PANGANIBAN AT CARLO AQUINO

“MAAYOS naman ang samahan namin. Sinira n’yo lang. Sana masaya na kayo!”

‘Yan ang hugot ni Angelica Panganiban sa tila nasirang relasyon nila ni Carlo Aquino nang dahila sa mga negang netizens.

Mukhang hindi na nakayanan ng Kapamilya actress ang pangnenega at pakikialam ng mga fans ni Carlo sa kanilang relasyon. Magkasama sila ng dati niyang boyfriend sa daytim series na Playhouse.

Sa kanyang Instagram account, ipinost ni Angelica ang screenshot ng isang comment ng netizen tungkol sa “friendship” nila ni Carlo. Sabi nito sa kanya, “Palagi kang ganyan. Aware ka ba sa impact na nagagawa niyan kay Carlo? Palagi siya ang dehado kakaganyan mo. Sarili mong fans binabash at hinuhusgahan siya nang walang ebidensya.

“Grow up Angge. Pag-usapan niyo ‘yan ni Carlo. ‘Wag mong idaan sa social media lahat. Minsan nakakaduda rin if gaano ka ka-genuine mag-care for Carlo. Kung ano ang kinadaldal mo, kinatahimik niya. Jusko para kayong 13, 14 ulit. Hoy, 33, 34 na kayo. Act your age,” sabi pa ng hater.

Ipinost ito ng netizen sa comment section ng IG photo ni Angelica kung saan ipinakita niya ang kanyang bagong hairstyle at make-up na may caption na, “Love your own na lang talaga ‘ko.” Kaya ang ginawa ng dalaga, tinag niya uli ang netizen at binago ang caption. Aniya, “Don’t love yourself. Never. Okay na po?”

Sa isa pa niyang post, naglabas na ng sama ng loob ang aktres, “Wow. Sa lahat ng na offend ko. Sorry.

Hindi ko alam na may issue pala kayo sakin. From now on, hindi na ko magsasalita. Huling caption ko na po ito. Kasi nakakahiya sa inyong mga nasaktan ko.

“Tama ka. Madaldal ako. So tatahimik na ko. I will act my age po. Sorry po. Hindi na kayo makakarinig ng kahit na ano sakin regarding Carlo. Lalayuan ko na din para hindi na lang ako mahusgahan at hindi na po siya mahirapan sa sinasabi niyong ‘impact’ na ginagawa ko para madehado po siya.

“Happy po? Thank you. Sana po maintindihan niyo at mapatawad niyo ko. Pagod na din ako sa kanegahan at pakekelam ninyo. Nasaktan na din ako. So tama na,” hugot pa ng dalaga.

Sa kanyang Twitter account naman, sinabi ni Angelica na lalayuan na niya si Carlo para sa ikatatahimik ng mga fans nito.

“Maayos naman samahan namin. Sinira niyo lang. Sana masaya na kayo. Sana din matuwa idol niyo sa pagiwas ko sa kanya at malagay siya sa tahimik. Ako pala kasi sumisira sa idol ninyo. Enjoy 2019,” aniya pa.

Habang sinusulat namin ang balitang ito, hindi na pina-follow ni Angelica ang IG account ni Carlo.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending