Wish ni Alden ngayong 2019: Sana magka-lovelife na | Bandera

Wish ni Alden ngayong 2019: Sana magka-lovelife na

Ervin Santiago |January 08,2019
facebook
share this

Wish ni Alden ngayong 2019: Sana magka-lovelife na

Ervin Santiago - January 08, 2019 - 05:26 PM

ALDEN RICHARDS

“LOVELIFE!” ‘Yan ang isa sa mga wish ni Alden Richards ngayong 2019.

Ayon sa Pambansang Bae, hindi naman sa iniwasan talaga niya ang magka-girlfriend nitong mga nakaraang taon, nag-set lang siya ng priorities para sa kanyang future at sa maganadang kinabukasan ng kanyang pamilya.

Sa pakikipagchikahan ni Alden sa ilang members ng entertainment media pagkatapos ng kanyang pa-thanksgiving, sinabi niyang malapit na niyang matapos ang number one mission miya sa buhay – ang ma-ecure ang future ng kanyang family.

Nakapagpundar na siya ng bahay at lupa at may ilang negosyo na ring naitayo, kabilang na nga riyan ang bagong franchise ng sikat na food chain na kanyang ineendorso.

“Unti-unti pong lumiliwanag, yung future nila. For me kasi yung kaligayahan ko na lang po. Parang almost malapit na akong puwedeng unahin ko naman yung sarili ko, e,” pahayag ng Kapuso actor.

So, ngayong patapos na ang misyon niya sa pamilya, pwede na niyang pagtuunan ng pansin ang kanyang lovelife at ‘yan daw ang isa sa mga hiling niya ngayong Bagong Taon, “Sana po talaga, magkaroon na.”

Natanong din si Alden kung ano ba ang mga qualities na hinahanap niya sa isang babae? “Siguro yung attitude lang po yung hinahanap ko. Du’n po ako talaga naka-focus kasi nahihirapan po ako humanap ng tamang attitude na partner ko.

“Wala pa po akong nakikita dun sa mga iba. Ako supportive lang, saka maintindihin, okay na ako. That’s it. Kahit looks, bonus na, either showbiz or non-showbiz, okay lang yun,” pahayag pa ng Pambansang Bae.

Hindi na ba siya natatakot na ma-bash ang babaeng mapipili niyang maging karelasyon? “Alam mo, ang mga fans,

I’d like to believe na mas, ano ba ito, open sila sa mga possibilities.”

Sa ngayon, pagtutuunan muna niya ang pagpapalago sa kanyang mga business.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Ang dami pong offer na partnership with other areas po of business, pero ayoko po muna masyadong i-entertain kasi baka mahirapan po ako mag-recover.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending