Pacquiao handa na kay Broner

By Melvin Sarangay January 07,2019
share this

Pacquiao handa na kay Broner

By Melvin Sarangay January 07,2019
share this


HABANG patuloy na hinahabol ng mga problema si Adrien Broner, naabot naman ni Manny Pacquiao ang nais nitong porma at inilalatag na niya ang plano sa laban dalawang linggo bago ang kanilang World Boxing Association (WBA) welterweight championship fight.

Ayon sa chief trainer at matalik na kaibigan ni Pacquiao na si Buboy Fernandez sa panayam ng philboxiing.com nasa huling bahagi na sila ng preparasyon para sa pagbabalik ng Filipino boxing superstar sa Las Vegas.

Patapos na si Pacquiao sa kanyang sparring at inilalatag na nila ang kanilang fight plan kontra Broner, ang dating world champion na nabigo sa kanyang huling dalawang laro.

“Even he (Pacquiao) gives his input, with things we need to add on and things we need to cut,” sabi ni Fernandez sa panayam ng philboxing.com.

Ang Team Pacquiao ay inaasahang tutungo sa Las Vegas sa Sabado kung saan huli siyang lumaban dalawang taon na ang nakakalipas. Nagtala si Pacquiao ng unanimous decision panalo kontra kay Jessie Vargas, na nahiritan ng tabla ni Broner.

Nagpahiwatig naman ang nagbabalik na trainer ni Pacquiao na si Freddie Roach na bubugbugin nila sa suntok ang katawan ng Amerkanong boksingero at gagamitin nila ang bentahe kay Broner na hindi mahilig bumitaw ng mga suntok.

Nauna nang sinabi ni Pacquiao na habol niya ang knockout na panalo para masundan ang matinding pagwawagi na itinala kontra Argentine Lucas Matthysse noong Hulyo sa Kuala Lumpur, Malaysia.

Si Broner ay hindi naman napapatumba sa loob ng boxing ring matapos na huling patumbahin ng malakas manuntok na si Marcos Maidana noong 2014.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending