Balikang Kris-Bistek posible pa: Yun talaga ang one great love | Bandera

Balikang Kris-Bistek posible pa: Yun talaga ang one great love

Reggee Bonoan - January 08, 2019 - 12:10 AM

HERBERT BAUTISTA AT KRIS AQUINO

KAHIT na tatlong beses nang napanood ni Harlene Bautista ang “Rainbow’s Sunset” na siya mismo ang producer ay naiiyak pa rin siya.

Nagkaroon ng block screening para sa pelikula nitong Sabado sa SM Megamall Director’s Club courtesy of Kris Aquino na ayon kay Harlene ay naiyak siya sa tuwa nang i-text siya para suportahan ang entry nila sa MMFF 2018.

“Ewan ko ba, lagi akong niiyak pa rin. Doon sa libing, sa namatay na, ewan ko, iba-iba. ‘Yung ibang eksenang naiyak ako noon, hindi ako naiyak ngayon. Basta, parang iba ‘yung impact sa tuwing napapanood ko,” pahayag ni Harlene.

Ang ganda ng pelikula sabi ng mga nakapanood at deserving talagang mapanalunan nito ang Best Picture.

“Sobrang salamat talaga sa suporta ng viewers, at saka siyempre kayo (entertainment press) kasi kayo naman ang nagpapakalat, di ba,” say ng lady producer.

Pero hindi naiwasang maglabas ng sama ng loob ang isa sa may-ari ng Heaven’s Best Entertainment dahil pagkatapos daw ng Dec. 25 screening ay bumaba sa 20 theaters ang okupado ng “Rainbow’s Sunset.”

“Kasi nu’ng awards night, parang 20 na lang kami, kami ‘yung pinakakaunti, tapos ngayon, almost a hundred or more pa yata.

“Hindi ba puwedeng awards night kaagad on the opening day para naman maging fair sa lahat? Parang hindi fair kasi may usapan na may ganitong number ng sinehan, tapos umabot na lang kami sa 20. Sobrang down kami lahat, buong production.

“Tapos after the awards night, ‘yung 20 theaters naging 100 plus na, so doon pala ang basis. Kaya kung ganu’n, e, di dapat unang araw pa lang ng showing ng MMFF, awards night na sa gabi para fair sa lahat, di ba?” mahabang sabi ni Harlene.

Unang beses mapasama sa MMFF ang pelikula ng Heaven’s Best at overwhelmed sila sa mga natanggap na awards, “Ang hirap sundan. Sana merong project na mas maganda or kasingganda. Saka hindi mo masabi talaga kung ano ang gusto ng tao ngayon, mahirap timplahin ang audience.”

Plano uling sumali nina Harlene sa 2019 MMFF at ngayon pa lang ay pinag-uusapan na nila ang tungkol dito.

q q q

Samantala, marami palang nawalang mga eksena sa “Rainbow’s Sunset” dahil mahaba na ang pelikula kaya kailangang putulin.

“Sana magkaroon ng producer’s cut dahil doon naman ‘yung mga scenes na talagang na-tackle lahat ang characters, even ‘yung si tito Pip (Tirso Cruz III) at si Zeke (anak nila ni Romnick Sarmenta) na ‘yung relationship nila bakit sila nagkaroon ng rift. Kasi sa movie hindi ipinakita na mayroon silang confrontation,” kuwento ng producer.

Pinuri ang pagiging matapang ng pelikula na walang takot na ipinakita ang pagmamahalan ng dalawang lalaki with matching kissing scene pa.

Katwiran ni Harlene, “E, kasi the film is supposed to show reality kung ano ‘yung nangyayari sa totoong buhay. Makaka-relate ka talaga.

“Sobrang grateful ako sa lahat ng artista, lahat sila ang gagaling. Si Aiko (Melendez), tinext ko nga siya, “Perfect ka as Georgina.” Ang galing nga, she won best supporting actress.”

At dahil dumami na ang sinehan ng “Rainbow’s Sunset” ay makakabawi na ba sila sa punuhan, “Malapit-lapit na, sana umabot hanggang January 7, kaya sana manood pa ‘yung ibang hindi pa nakakapanood,” sagot ng aktres-prodyuser.

Samantala, ano naman ang masasabi ni Harlene sa tawag sa kanya ni Kris na “naudlot na sister-in-law”, “Oo nga, naudlot, e, gano’n talaga, ayaw ko nang magsalita. Ha-hahaha!”

Tanong namin, may pag-asa pa bang ma-push ang love story ng kuya niyang si Quezon City Mayor Herbert Bautista at Kris.

“Bakit ako ang tinatanong n’yo? Ha-hahaha! Oo naman, ‘no! Habang may buhay, may pag-asa. ‘Yun naman ang tinatawag na one great love.”

Natutuwa rin ang kapatid ni Bistek dahil napanatili nila ni Kris ang pagkakaibigan maski hindi sila nagkikita at nag-uusap.

“Oo naman, siyempre. Sabi ko nga, what you see is what you get, napakatotoo niyang tao, hindi siya plastic, hindi siya showbiz, kung ano ang nakikita mo, ‘yun na siya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Kaya I’m honored and happy na meron kaming ganu’ng klaseng relationship kahit hindi kami palaging nagkikita, nagsusuportahan kami. Kaya sobrang thank you, Kris sa suporta mo,” masayang pahayag ni Harlene.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending