Baldo ipinag-utos din ang pagpatay sa ex-Daraga mayor kapalit ng P350K-PNP | Bandera

Baldo ipinag-utos din ang pagpatay sa ex-Daraga mayor kapalit ng P350K-PNP

- January 07, 2019 - 04:57 PM

IBINUNYAG ng Philippine National Police (PNP) na bukod sa pagiging utak ng pagpatay kay Ako Bicol Rep. Rodel Batocabe, tinangka rin umano ni Daraga Mayor Carlwyn Baldo na ipapatay ang dating mayor ng Daraga.

Sinabi ni Chief Supt. Amador Corpus, director ng Philippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) na ito’y batay na rin sa testimonya ni Emmanuel Judavar, isa sa mga testigo sa pagpatay kay Batocabe.

Idinagdag ni Corpus na pinapatay ni Baldo ang mayor ng siya ay vice mayor pa.

Nag-alok umano si Baldo ng P350,000 sa isang grupo ng mga gunmen para patayin ang dating mayor.

“Gusto niyang magmayor kaagad, so pinlano niya [na ipapatay] si [Gerry] Jaucian. Eh namatay si Mayor Jaucian so [naging] mayor na siya,” sabi ni Corpus.

Namatay si Jaucian dahil sa lung cancer noong Mayo 4, 2018, bago pa umano maipatupad ni Baldo ang plano.

“Pinlano si Mayor Jaucian. Nagkataon lang namatay siya noon,” ayon pa kay Corpus.

Nauna nang sinabi ni Judavar na bahagi siya ng plano ni Baldo na patayin si Batocabe, bagamat umurong nang isasagawa na ang asasinasyon matapos makipagtalo kay Baldo.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending