PNP intel officials sibak dahil sa paniniktik sa mga miyembro ng ACT | Bandera

PNP intel officials sibak dahil sa paniniktik sa mga miyembro ng ACT

- January 07, 2019 - 04:27 PM

IPINAG-UTOS ni Philippine National Police (PNP) chief Director General Oscar Albayalde ang pagsibak sa mga opisyal ng intelligence units na umano’y sangkot sa paniniktik sa mga guro na kasapi ng Alliance of Concerned Teachers (ACT).

Sinabi ni Albayalde na kabilang sa mga inalis sa puwesto ay mga hepe ng intelligence unit ng Manila Police District Station 3, Quezon City Police District (QCPD) Station 6, at hepe ng intelligence unit ng Zambales police.

Base sa ulat, bumibisita ang mga operatiba ng intelligence sa mga paaralan at inaatasan ang pamunuan ng mga eskwelahan na tukuyin ang mga miyembro o kaalyado ng ACT.

Itinanggi ni Albayalde na nagpalabas siya ng direktiba.

Idinagdag ni Albayalde na hindi dapat ginawa ito ng mga opisyal ng intelligence unit dahil magreresulta ito sa panic.

“I will check on that. As far as I am concerned wala akong pinirmahan na ganyan,” ayon kay Albayalde.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending