Horoscope, January 07, 2019 | Bandera

Horoscope, January 07, 2019

Madam Sophia |January 07,2019
facebook
share this

Horoscope, January 07, 2019

Madam Sophia - January 07, 2019 - 12:15 AM

Para sa may kaarawan ngayon: Sopresang mga suwerte ang biglang darating sa iyo sa taong ito ng 2019. Ang mga suwerteng ito ay may kaugnayan sa pag-ibig at salapi na maaari mo pang maipamahagi sa iyong mga mahal sa buhay. Kaya sa taong ito ng 2019, ugaliin mong laging magpasalamat sa nasa itaas sa pamamagitan ng pagtulong sa mga nangangailangan at sa mga mahihirap. Mapalad ang 3, 15, 18, 21, 29, 34 at 44. Mahiwaga mong mantra: “Jiva-Om-Gosvami.” Green at blue ang buenas.
Aries – (Marso 21-April 19)—Sa pag-ibig, wag nang ulitin ang nakaraang mga pagkakamali dahil makagugulo lang yon sa kasalukuyang ligaya. Oo may ligaya at mga pagpapalang darating sa pagbungad na pagbungad ng taong ito ng 2019. Sa pinansyal mas mabilis ang dating ng pera, kaya kailangan wag na wag kang gastos ng gastos, dahil pag nagkaganon, bibilis din ang pagkubos nito. Mapalad ang 7, 13, 20, 29, 37 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Om-Pad-Me-Om.” Lilac at pink ang buenas.
Taurus – (April 20-May 20)—Sa taong ito ng 2019 basta’t lagi ka lang magpaganda at magpa-sexy, sa pinansyal at pag-ibig siguradong sasagana ka at magiging maligaya ka na maipamamahagi mo pa sa iyong pamilya at sa mga taong malalapit sa puso mo. Mapalad ang 6, 15, 24, 33, 42, at 47. Mahwiaga mong mantra: “Aum-Kaleneha-Om-Mahatha.” Red at purple ang buenas.
Gemini – (May 21-June 21)—Maraming mga pagbabago ang hatid ng 2019. Sa pinansyal, bagong negosyo at bagong pagkakakitaan ang higit na magpapaunlad sa iyo. Sa pag-ibig higit kang mas magiging maligaya sa bagong pag-ibig na darating. Mapalad ang 5, 18, 23, 33, 39 at 43. Mahiwaga mong mantra: “Manu-Menggay-Om.” Silver at orange ang buenas.
Cancer – (June 22- July 22)—May bagong kalakal na iaalok ang isang kaibigan. Kung siya ay isang Capricorn sunggaban mo agad upang kumita ng malaking halaga. Sa pag-ibig, nagtatampo ang kasuyong Virgo, haguran siya ng noo at imasahe. Mapalad ang 6, 15, 24, 32, 34, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Rama-Krisna-Om.” Apple green at red ang buenas.
Leo – (July 23 – August 22)—Sa pag-ibig, tigilan na ang madalas na pambubulyaw at pang-aaway sa kasuyong Aries. Maging mabait sa iyong mga tauhan, upang maging mabait din sa iyo ang kapalaran. Mapalad ang 6, 9, 18, 27, 36, at 45. Mahiwaga mong mantra: “Visnu-Veda-Vadya.” Yellow at orange ang buenas.
Virgo – (August 23 – September 22)—Tapusin mong mabilis ang mga gawain sa taong ito ng 2019. Dahil kapag mabilis kang natatapos, marami pang suwerte at magagandang kapalaran ang darating lalo na sa larangan ng salapi at pinansyal. Sa pag-ibig, higit na mas magiging mainit at masarap at susunod na lihim na pagtatagpo. Mapalad ang 5, 14, 23, 32, 40 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Sol-Dasa-Sol-Maya-Om.” Lilac at White ang buenas.
Libra – (September 23-October 23)—Sa taong ito ng 2019, ingatan ang pigura, kapag pumangit ka, magkaroon ng problema sa pag-ibig at pakikipag-relasyon. Panatiliin ang pagiging wholesome at sexy. Hindi dapat gumastos ng malaking halaga sa pagpapaganda konting exercise lang ay sapat na. Mapalad ang 8, 14, 25, 32, 41, at 45. Mahiwaga mong mantra: “Yumana-Pad-Meh Om.” Beige at silver ang buenas.
Scorpio – (October 24 – November 21)—Sa pag-ibig, tanggalin ang pag-aalinlangan, panatiliin ang tiwala upang lumigaya ang relasyon. Sa pangangalakal, magtiwala sa sariling kakayahan, – kayang-kaya mo namang magpayaman! Mapalad ang 7, 16, 23, 34, 43 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Jai-Guru-Deva-Om”. Green at orange ang buenas.
Sagittarius – (November 22 – December 21)—Wag masyadong mabait! Sa taong ito ng 2019 sa sobrang kabaitan, mauubos agad ang pera. Hindi masamang mamigay at mag-pautang, pero wag naman sobra. Sa pag-ibig, habang patuloy mong minamahal at pinagpapasensyahan ang iyong kasuyo, lalo naman siyang gaganahan kaya lalong sasarap at lalo pang iinit ang romansa. Mapalad ang 4, 18, 26, 33, 36 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Vai-Kuntha-Vai-Nava”. White at lilac ang buenas.
Capricorn – (December 22 – January 19)—Mapupuno ng mga pagpapala at pag-aani ang taong ito ng 2019 para sa iyong kapalaran. Kaya yong mga suwerteng hinihintay mong dumating nitong 2018 na hindi dumating, umasa kang sa taong ito doble at bultong mga suwerte ang mapapasa iyo. Kaya ang dapat lagi kang magpasalamat at bilang pasasalamat lahat ng sobrang suwerte na hindi mo na madakot sa iyong mga palad ay ipamigay mo sa mga mahihirap at sa mga nangangailangan. Mapalad ang 4, 18, 28, 34, 38, at 40. Mahiwag among mantra: “Chandaya-Sandapha-Om.” Beige at purple ang buenas.
Aquarius – (January 20 – February 18)—Hindi dapat ipaubaya sa iba ang kapalaran. Wag ka kasing asa ng asa sa ibang tao. Sa sarili mong diskarte, sa sarili mong galing at sa sarili mong kakayahan, mapapaunlad at mapaliligaya mo ang buong taong ito ng 2019. Mapalad ang 4, 11, 22, 29, 43 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Grehan-Karan-Om.” Black at yellow ang buenas.
Pisces – (February 19 – March 20)—Sa taong ito ng 2019 dagdag na ispiritualidad ang dapat. Sa pag-ibig at pinansyal, kapag sinamahan ng panalangin ang bawat araw ngayong taong 2019, ang iyong wish ay mas mabilis na matutupad at magkakatotoo. Mapalad ang 4, 7, 16, 25, 34, 43, at 45. Mahiwaga mong mantra: “Yama-Yasoda-Om.” Green at red ang buenas.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending