Maine hindi nagpapadikta sa mga fans, Alden mas matapang na ngayon | Bandera

Maine hindi nagpapadikta sa mga fans, Alden mas matapang na ngayon

Alex Brosas |January 07,2019
facebook
share this

Maine hindi nagpapadikta sa mga fans, Alden mas matapang na ngayon

Alex Brosas - January 07, 2019 - 12:01 AM

MAINE MENDOZA AT ALDEN RICHARDS

LABIS-LABIS ang tawa ng netizens sa aria ni Lolit Solis patungkol kina Alden Something at Maine Something.

“Gusto ko iyon balita na mas magaan na ngayon ang pakiramdam nila Alden Richards at Maine Mendoza dahil wala ng pressure at wala na rin masyado iyon mga negatibong bagay na lagi na ay nagbibigay ng bigat sa tambalan nila.

“Gusto ko rin ugali ni Maine, na basta gusto niya gawin, gagawin niya at hindi pumapayag magpadikta sa kilos niya.

“Medyo matapang na rin si Alden at pumapayag ng makipareha sa iba.”

“Up to now, isa sa pinakamalakas na tambalan sila Christopher de Leon at Vilma Santos kahit pa nga sa tunay na buhay iba ang naging love nila.

“Puwedeng ganun din sina Alden at Maine, malakas [na] tambalan kahit iba naman mahal nila.

“Kasi kahit ano sabihin, iyon chemistry nila Alden at Maine ganun pa rin kalakas, iba ang electric voltage pag sila magkasama. Kaya dapat gawan pa rin sila ng project together dahil sure na magugustuhan pa rin ito ng manunood.”

‘Yan ang say ni Lolit na sadly ay pinagtawanan lang.

“Hindi nga nag rate DTBY.”

“Saan banda malakas pa? Sa mangila-ngilan na lang na ADN? Pinaghiwalay nyo at demo job c Maine. Ngayon mahina na ang career ng alaga nyo. Balik Maine, komo namamayagpag ang solo career nung bata? Pilit nyong sinasabit ung alaga nyo?  Wag naman. Mahiya naman kau.”

“Hanggang putak lang ‘yang Gi-Em-Ey!!! Puro salita, WALANG GAWA!!!”

“Nagsisipsip lng yan sa ADN para mapursue nya yung gus2 ng alaga nya 2 do a movie w/ M.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“So bakit wala silang projects together? Maski sa EB hindi sila LT, ginagamit lang minsan pangkilig sa kawawang fans. Weird talaga that you just stopped AlDub.  Someone please explain why you’re not making the LT flourish.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending