Basher kay Moira: Sobrang lapad ng fezlak mo! | Bandera

Basher kay Moira: Sobrang lapad ng fezlak mo!

|January 07,2019
facebook
share this

Basher kay Moira: Sobrang lapad ng fezlak mo!

- January 07, 2019 - 12:20 AM


SIMULA pa lang ng Bagong Taon ay pwede nang tawaging Patola Queen ang Kapamilya singer-composer na si Moira Dela Torre dahil sa matapang niyang pagresbak sa mga basher.

Sa recent Instagram post ni Moira kung saan inihayag niya kung gaano siya ka-excited sa nalalapit na wedding nila ni Jason Marvin, isang netizen na naman ang nanglait sa kanyang itsura.

“Pag kinasal ka na, wag kang mag pony tale (sic), kasi baka madismaya sa ’yo groom mo, sa sobrang lapad ng feslak mo hahaha!” pang-ookray ng basher.

Ito naman ang sagot sa kanya ni Moira, “Hindi kita ibablock, para pag nagtali ako ng buhok, at hindi siya nadismaya, makita mo na may pagmamahal na hindi lang nakadepende sa kung gaano ka kapayat o kataba o kung ano man ang ayos ng buhok mo.

“Sana po ngayong bagong taon, maranasan mo ang nararanasan ko ngayon. Yung love na hindi kasing babaw ng pagmamahal na alam mo. Happy New Year!”

Last week, sinagot din ni Moira ang isang lalaki na nambastos sa kanya habang kumakanta sa isang event. Sinigawan siya nito ng “panget” at “mataba”.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending