Knockout win habol muli ni Pacquiao | Bandera

Knockout win habol muli ni Pacquiao

Melvin Sarangay - , January 04, 2019 - 08:00 PM

MATAPOS na muling magtala ng knockout win, hangad ni Filipino boxing superstar Manny Pacquiao na patumbahin din ang Amerikanong katunggali na si Adrien Broner sa kanilang title fight na gaganapin sa Enero 19 (Enero 20, PH time) sa Las Vegas, Nevada, USA.

“The fans loved it, so why not try for it again,” sabi ni Pacquiao sa panayam ng philboxing.com matapos ang dibdibang workout sa Hollywood, California, USA na nagtulak sa head trainer at best friend nitong si Buboy Fernandez na sabihin na nasa 100 porsiyento na ang kanyang kondisyon.

Hindi naman bunsod ng galit kaya nasabi ni Pacquiao ang balak nitong KO win sa laban kay Broner, ang dating world champion na nakalabas na sa kulungan matapos magpiyansa.

“I have nothing personal against Adrien Broner,” sabi ng 40-anyos na si Pacquiao. “This fight is strictly business. He makes me laugh. He knows how to sell himself and to sell a fight.”

Samantala lumabas naman si Broner sa All-Access, isang three-part series na para lamang sa kanilang laban, kung saan nasabi nito na nakapagmuni-muni siya habang nakakulong sa selda.

“I made up my mind that day that if God let me out of here, I’m gonna box,” sabi ng 29-anyos na tubong-Cincinnati.

“And now I’m here fighting Pacquiao. I never thought in a million years I’d be here,” dagdag pa ni Broner, na nangakong aayusin ang kanyang buhay para sa pinakamatinding laban ng kanyang boxing career.

Subalit hindi naman siya puwedeng magkumpiyansa.

Sinabi kasi ni Pacquiao na matapos niyang patumbahin ang Argentine na si Lucas Matthysse sa kanilang WBA welterweight title fight noong nakaraang Hulyo sa Kuala Lumpur, Malaysia nabuo muli sa kanya ang pagkagutom na magtala ng matinding panalo.

“I have to maximize the opportunity,” sabi ni Pacquiao. “I forgot how much fun winning a fight by knockout until I stopped (Mathysse). It felt great to win that way.”

Para naman kay Pacquiao isa itong magandang pagkakataon sa kanyang boxing career dahil muli siyang lalaban sa MGM Grand Garden, ang lugar kung saan itinala niya ang sixth round KO win laban kay Lehlo Ledwaba noong Hunyo 2001 na naging daan para sumikat siya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ang impresibong panalo kontra Broner ay lalo namang magpapataas ng kanyang halaga sa plano nitong rematch kay Floyd Mayweather Jr. na magiging sequel ng kanilang 2015 megafight.

 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending