Takot ligawan ang mayaman, may pinag-aralan at maganda
MAGANDANG araw po.
Ako po si Malcolm, 22 years old, at hanggang ngayon ay single.
Ngayon po, may gusto akong ligawan pero mayaman siya, may pinag-aralan at maganda sya. Ako naman ay kabaliktaran nya.
May ilang nagsasabi na tigilan ko ang binabalak kong ligawan ang aking kaibigan. Dahil madaming nanliligaw sa kanya naka level n’ya at ako raw ay walang magiging pag-asa.
Dapat ko po bang pakinggan sila at tuluyang isantabi na lang ang aking nararamdaman sa aking kaibigan?
Payo po, please.
Salamat
Malcolm
Happy New Year, Malcolm!
Alam mo, nasa sa iyo ang sagot.
Gusto mo bang maniwala na ikaw ay mananatiling mahirap lang, walang pinag-aralan at pangit?
Naniniwala ka bang wala nang pag-asa ang isang tulad mo LANG? Naniniwala ka bang ang opinyon ng iba ang huhugis ng iyong kinabukasan?
Kung naniniwala ka sa kanila kaysa sa sarili mo at sa damdamin mo, e, di back off na.
Walang babae ang deserve ang isang lalaking walang sariling opinyon at paninindigan.
So utang na loob, kahit pangit, mahirap at walang pinag-aralan na tulad mo ay wag mo ring liligawan kasi baka maging miseraableng lalo ang buhay.
On the other hand, kung alam mo namang may laban ka kahit pangit at mahirap at mababa lang ang pinag-aralan, e, di sumige ka.
Marami ngang nanliligaw sa kanya pero wala pa siyang sinasagot, di ba? So ibig sabihin meron siyang hinahanap. Malay mo ikaw yun, o malay mo hindi ikaw yun…pero di mo malalaman kung hindi ka makikipagsapalaran.
Pagdating ng limang taon mula ngayon, you will always wonder kung ano ang nangyari kung tinuloy mong manligaw sa isang prinsesang katulad ni ate di ba? So kung makikipagsapalaran ka, wala kang panghihinayangan na hindi mo sinubukan.
So nasa sa iyo ‘yan, makikipagsapalaran ka ba o nganganga na lang?
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.