B-day message ni Maine kay Alden: Gusto ko masaya ka! Pag happy ka, happy din ako | Bandera

B-day message ni Maine kay Alden: Gusto ko masaya ka! Pag happy ka, happy din ako

Jun Nardo - January 04, 2019 - 12:45 AM

ALDEN RICHARDS AT MAINE MENDOZA

PANALO sa puso ng AlDub Nation ang dalawang unang araw ng 2019 (Jan. 1 and 2).

SaNew Year’s episode kasi ng Eat Bulaga, magkasama sa production number sina Alden Richards at Maine Mendoza.

Sinundan pa ito ng mas kakilig-kilig na pagsasama ng dalawa sa birthday celebration ng Pambansang Bae last Jan. 2.

Then sa “Boom” segment ng EB, sina Alden at Meng pa rin ang magkasama sa pagbibigay ng budget para sa contestants – ang personal assistant ni Alden na si Mama Ten, ang kaibigang si Dion Ignacio at sister niyang Riza.

Bago sinimulan ang laro, nagbigay ng mensahe si Maine para kay Alden, “Gusto ko, happy ka sa birthday mo. Kapag happy ka, happy rin ako!”

Tugon naman ni Alden, “Sarappppp!” sabay akbay kay Maine!

Kahapon sa Twitter, nag-party uli ang ADN gamit ang hashtag na #ALDUB181stWeeksary. Sa tweets ng members ng grupo dahil sa nangyari sa kanilang idolo sa dalawang unang araw ng 2019, umaasa silang mas magiging grand 2019 ang kanilang matutunghayan para kina Alden at Meng, huh!

Sa na-witness ng ADN sa muling pagsasama ng kanilang idolo sa Eat Bulaga, mas lalo pang tumibay ang paniniwala nila na muling magkakaroon ng proyekto sina Alden at Maine pagdating ng tamang panahon.
Basta para kay Alden, happiest birthday niya ang nakaraang selebrasyon with Dabarkads kasama ang ilang malalapit na tao sa kanyang buhay.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending