2019 New Year’s resolution ni Piolo: Sana magka-lovelife na!
DIRETSAHANG sinabi ni Piolo Pascual on national TV kung ano ang kanyang New Year’s resolution ngayong 2019.
Tinuksu-tukso kasi siya sa episode last Sunday ng ASAP Natin ‘To ng kanyang mga kasamahan tungkol sa kung ano ang nais niya ma-achieve sa pagpasok ng Bagong Taon.
Si Gary Valenciano ang tumawag kay Papa P para ibandera ang kanyang New Year’s wish, sagot ng binata, “Ang New Year’s resolution ko…ang magka-love life,” sabay tawa ng aktor.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.
What's trending