Thea gusto nang ipatokhang ng mga adik sa Asawa Ko, Karibal Ko | Bandera

Thea gusto nang ipatokhang ng mga adik sa Asawa Ko, Karibal Ko

|December 31,2018
facebook
share this

Thea gusto nang ipatokhang ng mga adik sa Asawa Ko, Karibal Ko

- December 31, 2018 - 12:05 AM

THEA TOLENTINO

GIGIL na gigil na ang mga manonood sa patuloy na pagpapanggap at panloloko ni Venus (Thea Tolentino) sa afternoon series ng GMA na Asawa Ko, Karibal Ko.

Sa mga nababasa naming komento mula sa mga sumusubaybay sa programang pinagbibidahan ni Kris Bernal, talagang halos isumpa na nila si Thea bilang kontrabida.

May isang netizen pa nga ang nagbanta sa Kapuso actress na ipapatokhang na niya ito sa PNP dahil sa sama ng ugali. Meron namang nagtanong kung saan ba nagte-taping ang serye at talagang susugurin niya si Thea para sabunutan at sapakin.

Ibig sabihin lang niyang super effective talaga si Thea na kontrabida dahil nagagawa niyang makatotohanan ang bawat eksena niya to the point na gusto na siyang patayin ng televiewers sa kasamaan ng ugali niya bilang Venus.

Sa itinatakbo ng kuwento ng Asawa Ko, Karibal Ko, mukhang malapit nang mabuking nina Gavin (Rayver Cruz) at Rachel (Kris) ang kanyang sikreto lalo na ngayong nagpakita nang muli ang dati niyang lover (Matthias Rhoads) na kaibigan pala ni Gavin, ang lalaking ipaglalaban niya ng patayan.

Sa ipinalabas na episode nitong weekend, nagawa pa ring itago ni Venus ang tunay niyang pagkatao kay Gavin pero hanggang kailan kaya niya maililihim sa mga taong nakapigid sa kanya na siya si Nathan na dating asawa ni Rachel na isa nang transwo-man ngayon?

Ang isa pang inaabangan ng mga adik sa Asawa Ko, Karibal Ko ay ang gagawing paghihiganti ni Rachel kapag isinampal na sa kanyang mukha ang katotohanan na ang babaeng nang-agaw kay Gavin sa kanya ay ang “namatay” niyang asawa? Siguradong umaatikabong bakbakan ang magaganap sa pa-gitan nina Kris at Thea.

Kaya patuloy na tutukan ang Asawa Ko, Karibal Ko sa GMA Afternoon Prime pagkatapos ng Eat Bulaga.

 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending