Sharon napatili sa regalo ng bunsong anak: OMG! Ito ang gusto ko! | Bandera

Sharon napatili sa regalo ng bunsong anak: OMG! Ito ang gusto ko!

Ervin Santiago |December 31,2018
facebook
share this

Sharon napatili sa regalo ng bunsong anak: OMG! Ito ang gusto ko!

Ervin Santiago - December 31, 2018 - 12:05 AM

SHARON CUNETA

TUWANG-TUWA ang mga fans at social media followers ni Megastar Sharon Cuneta sa kanyang Instagram video kung saan ipinakita ang pagbubukas niya ng mga natanggap na Christmas gifts.

Dito napatunayan ng madlang pipol na mababaw lang ang kaligayahan ni Mega, lalo na nang makita ang laman ng napakala-king eco bag na iniregalo sa kanya ng bunsong anak na si Miguel.

Sa Instagram video na ipinost ni Sharon pagkatapos ng Noche Buena, kitang-kita ang kanyang kaligayahan habang binubuksan ang regalo ni Miguel na napasigaw pa nang makita ang laman nito.

“This is from Miguel. I hope this is what I asked for. ‘Cause I’m really mababaw,” chika ng singer-actress habang ina-unbox regalo.

“Oh my goodness, it’s what I asked for. This was all I wanted, yung lalagyan na ganito!” dugtong pa ni Mega nang tumambad sa kanya ang dalawang latch box na aniya’y talagang hiniling niya bago mag-Pasko.

Ayon sa ilang fans ni Sharon, isa itong patunay ng pagiging totoo ng kanilang idolo, para sa kanila hindi pa rin nawawala ang isa sa mga qualities na minahal nila kay Mega, ang pagiging humble nito.

Sa isa pang Instagram post ng Megastar, ibinandera naman niya ang iba pang regalo na ibinigay ng mga anak. Isang portable table with built in battery ang Christmas gift sa kanya ni KC Concepcion habang bag naman ang ibinigay sa kanya ni Frankie.

Samantala, na-excite naman nang bonggang-bongga ang mga Sharonians sa patikim ng award-winning actor na si John Arcilla sa ginagawa nilang horror movie ni Mega sa direksyon ni Erik Matti.

“Ang masasabi ko lang basta sobrang click kami ni Sharon Cuneta and then ang daming ipapakita ng pelikula. Drama, horror, and a little of comic and thriller, too. Sobrang saya naming dalawa sa ginagawa namin. Ang saya-saya ko sa role.

“Ang ganda ng istorya. I really feel so blessed. May gaga-win si Sharon Cuneta dito na hindi niya pa nagawa sa buong career niya. Very controversial. Sana ma-highlight ‘yun ‘pag nasa promo na kasi talagang somehow very shocking. Medyo maraming masa-shock pero hindi magagalit sa kanya,” ani John sa panayam ng ABS-CBN.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending