2018 Top 10 Koreanovela, Chinese drama na minahal ng mga Pinoy
BAGAMAT nakikipagsabayan na ang mga Pinoy teleserye sa mga Korean at Chinese drama, patuloy pa ring namamayagpag ang mga ito sa bansa.
Narito ang 2018 Top 10 Koreanovela at Chinese drama na ipinalabas sa ABS-CBN at GMA na talagang kinaadikan mga Filipino.
Hwayugi: A Korean Odyssey
Pinagbidahan ito ng Korean superstar na si Lee Seung Gi na nagsilbing comeback series niya matapos ang dalawang taong mandatory military training.
Naging super hit ito sa Korea, dahilan para bilhin ng ABS-CBN ang right nito.
Bukod kay Seung Gi, kasama rin sa fantasy, suspense, comedy, drama sina Cha Seung Won, Oh Yeon Seo at Lee Hong Gi.
Kwento ito ni Son Oh Gong (Seung Gi) na nakulong ng napakatagal na panahon at pinalaya ng batang Jin Seon Mi (Yeon Seo).
After 25 years magkikita muli sina Oh Gong at Seon Mi para tuparin ang isang propesiya.
What’s Wrong With Secretary Kim
Isa ito sa mga highest rated Korean dramas sa cable TV history at most searched Korean language series of 2018 sa Google.
Pinagbidahan ito nina Park Seo Joon at Park Min Young na tungkol sa isang narcissist na mai-inlove sa kanyang personal assistant.
Talagang riot ang romcom Koreanovelang ito kayat tinangkilik maging ng mga Pinoy televiewers.
Love In Trouble (Suspicious Partner)
Pinagbidahan ito ng isa pang Korean superstar na si Ji Chang Wook at ni Nam Ji Hyun na isang romantic comedy at suspense.
Gumanap si Chang Wook bilang isang prosecutor, na natanggal sa kanyang katungkulan matapos na ipawalang-sala ang karakter ni Ji Hyun, na inakusahan ng pagpatay sa kanyang ex-boyfriend.
Ito rin ang huling K-drama ni Chang Wook bago ang kanyang two-year mandatory military training. Ipinalabas ito sa GMA 7.
Doctor Crush
Sa ABS-CBN umere ang Korean medical love story na ito starring Park Shin Hye at Kim Rae Won.
Nakilala si Shin Hye sa K-drama na Heirs at sumikat naman si Rae Won sa Attic Cat.
Kwento ito ng karakter ni Shin Hye na namatayan ng lola dahil sa medical malpractice kaya nagpakadalubhasa para makapaghiganti. Magkikita naman sila ng kanyang teacher kung saan pareho na silang magaling na neuro surgeon.
While You Were Sleeping
Bida sina Lee Jong Suk, Bae Suzy at Jung Hae In sa Korean fantasy drama series na ito.
Kwento ng isang babaeng napapanaginipan ang mga mangyayaring pagkamatay ng ibang tao. Magkukrus ang landas nila ng karakter ni Jong Suk na isang prosecutor.
Dito ay napapanaginipan ng karakter ni Jong Suk si Suzy tuwing nasa panganib siya.
Pulis naman ang karakter ni Hae In, na sobrang minahal ng mga manonood na na-ging dahilan para maging isa sa pinakasikat na aktor sa Korea.
I Am Not a Robot
Naging hit din ang Korean romantic comedy drama na ito sa bansa na pinagbidahan nina Yoo Seung Ho at Chae Soo Bin.
Kwento ito ng karakter ni Seung Ho na isang tagapagmana bagamat may kakaibang sakit kung saan nagkakaroon siya ng kakaibang allergy kapag dumidikit sa tao.
Magpapanggap namang robot ang karakter ni Soo Bin at magiging assistant ng karakter ni Seung Ho.
Go Back Couple
Bagamat napanood ang Go Back Couple sa South Korea sa huling bahagi ng 2017, ipinalabas agad ito sa ABS-CBN nitong 2018.
Pinagbidahan ito nina Jang Na Ra at Son Ho Jun na kuwento ng mag-asawa na naghiwalay at biglang babalik sa kanilang 20s.
Napakaepektibo nina Na Ra at Ho Jun sa kanilang karakter kayat nakiiyak ang mga Pinoy viewers sa kanila.
W (Two Worlds)
Ipinalabas ito sa South Korea noon pang 2016 pero umere sa ABS-CBN nitong 2018 na pinagbidahan nina Lee Jong Suk at Han Hyo Joo.
Kwento ito ng dalawang mundo, ang real world at webtoon kung saan magkukrus ang landas ng karakter ni Jong Suk na nagmula sa webtoon at ni Hyo Joo na galing sa real world.
A Love So Beautiful
Nakapasok din sa Top 10 ang Chinese series na ito na pinagbidahan nina Yu Hitian at Shen Yue.
Kwento ito ng love story ng magkababata, ang isa ay genuis at ang isa naman ay ordinaryo lamang.
Kinagiliwan ang kwento ng dalawang bida, na bagamat napakasimple pero tagos ang pagpapa-kilig.
Meteor Garden
Magtatapos pa lang ang remake ng sikat na original Taiwanese seryent ito sa Kapamilya Network.
Tulad ng ibang version nito, kinagiliwan din ng mga Pinoy ang Chinese drama na ito na pinagbibidahan nina Dylan Wang, Shen Yue, Darren Chen, Connor Leong at Caesar Wu. Sino ba ang hindi pamilyar sa kwento ng Meteor Garden na siyang nagsimula ng Asianovela fever sa bansa?
Sa pagpasok ng 2019, tiyak na mas marami pang Korean drama ang mapapanood sa bansa na siguradong tututukan pa rin ng mga Pinoy.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.