'Ano na nga kaya ang nangyari sa eksenadorang si Mocha Uson?' | Bandera

‘Ano na nga kaya ang nangyari sa eksenadorang si Mocha Uson?’

Cristy Fermin - December 30, 2018 - 12:20 AM


NAKABIBINGI nga naman ang katahimikan ngayon ng maingay at palaeksenang si Mocha Uson. Ano raw kaya ang paboritong kainin nitong mga huling panahon ng dating sexy dancer at bigla na lang siyang nawala sa sirkulasyon?

Naging bahagi na kasi ng pang-araw-araw niyang buhay ang pagpapapansin. Palagi niyang binibira ang mga pulitikong hindi pasado sa kanyang panlasa ang kartada.

Galit na galit siya sa mga nagpapakalat ng fake news, pero sa kanya ‘yun bumalik, dahil siya ang naglalabas ng fake news na napakadali niyang depensahan kapag nasusukol na siya sa pader.

Hindi na kailangan pang pagtakahan ang pananahimik ngayon ni Aling Mocha. Pagkapahiya lang naman ang masisilip nating dahilan. Nasanay na kasi siya na palaging ipinagtatanggol ni PRRD, ihinahanap ng lusot ang kanyang kataklesahan, pero dumating ang isang panahong hanggang du’n na lang ang lahat.

Binitiwan siya ng pangulo, napagod na siguro si Tatay Digong sa kasasangga sa kanyang mga kapalpakan, kaya bigla siyang nanahimik.

Ang posisyon niya sa PCOO na akala niya’y magiging panghabambuhay na ay tinanggal sa kanya, bigla siyang naetsapuwera, kaya ano pa ang kapangyarihang hawak niya ngayon para mag-ingay at magparamdam?

Waley na!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending