Jericho may ginagawang pampakalma sa taping ng ‘Halik’
KAMAKAILAN ay nakatanggap ng acting award si Jericho Rosales para sa mahusay niyang pagganap sa seryeng Halik, kasama si Yam Concepcion na nanalong best actress.
“Bonus na lang ito and we’re grateful. What matters most is yung every night ay marami kaming napapasaya kahit sa galit at inis minsan ng mga viewers, affected sila sa kuwento. Pero wala pa namang nam-bully sa akin,” sey ni Echo sa amin.
Sa pagkukumpara pa ng mga tao sa level ng acting nila ni Sam Milby sa Halik, Echo has nothing but praises also to Sam.
“Very challenging din ang role niya. Mahirap, pero he tries his best at kitang-kita naman yung effect dahil marami ang nagre-react,” kuwento pa ni Echo sabay sabing ibang-iba rin ang mood nila bago pa kunan ang mga matitinding eksena.
“Everyone is required to make a joke or two before and after a serious take. Pampakalma,” sey ng aktor.
Sa darating na Pasko, wish ni Echo na mag-enjoy ang sambayanan sa 2018 MMFF, lalo na sa entry nila ni Jessy Mendiola na “The Girl In The Orange Dress.”
“Fun, kilig and drama na may konting romance. Masarap siyang panoorin,” pag-imbita pa nito sabay pagmamalaking sa edad niya ngayon ay keri pa niyang magpakita ng magandang katawan on screen.
“Again, that will be a bonus pero mas gusto naming kumita ang movie,” diretsong sagot nito sa tanong namin kung umaasa ba siyang manalo ng acting award.
q q q
ITO namang sina Sen. Kiko Pangilinan, Sen. Nancy Binay at iba pang mga solon, parang hindi muna nag-isip makapag-emote lang agad sa isyu ng bullying.
Halatang hindi napanood ng mga mambabatas na ito ang compilation ng videos ni Joaquin Montes, Jr. (ang Atenistang sikat na sikat ngayon sa pambu-bully) kaya parang pinoprotektahan pa nila ang nagkasala kesa sa naging biktima.
Tama naman ang sinabi nilang huwag nang dagdagan o gatungan pa ang usapin dahil pambu-bully ding matatawag ang pagkokomento at pamba-bash ng ilang netizens sa batang estudyante, pero juice colored naman, mga senador sila na dapat mag-issue ng mas makabuluhan at katanggap-tanggap na pahayag at hindi basta “PR” lang.
Meron pang ibang lawmakers and legislators na nakisawsaw sa isyu pero ang mas gusto naming marinig o mabasa ay yung pagkondena sa insidente at pag-uutos sa mga kinauukulan na busisiing mabuti ang kontrobersyal na isyu.
E, parang sumasabay pa sila sa galit ng sambayanan by raising their opinions na nasabi na rin naman ng mga ordinaryong mamamayan. At tigilan nga kami sa mga sinasabi nilang ito ay “police matters” dahil ano pa ang saysay ng pagiging leader at opisyal ninyo kung inuulit n’yo lang ang mga sinasabi ng netizens? Mema lang?
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.