Armored car ni Coco sa MMFF parade nagkakahalaga ng P43M
HINANGAAN ang professionalism ng cast members ng “Jack Em Popoy: The Puliscredibles.”
Kahit kasi umuulan ay tuloy pa rin sila sa Christmas Parade of Stars para sa Metro Manila Film Festival.
Ang maganda pa, nag-effort talaga si Coco Martin na gamitin ang sarili niyang sasakyan para lang maging maayos ang pagparada niya. Nakakalula ang multi-milyong halaga ng tila armored vehicle na gamit ni Coco. Talagang lahat ng nakakita ay humanga dahil alam nilang ito ay nagkakahalaga ng ilang milyon.
We read in one report on YouTube na nagkakahalaga ito ng…hold your breath, P43 million. True kaya ‘yun? If true, naku, ikaw na talaga, Coco.
Sa parade ay hindi ininda nina Coco, Vic Sotto at Maine Mendoza ang konting ulan. Marami silang napasaya sa kanilang pagtapak sa stage.
Si Maine na lang, ang daming napasaya sa kanyang presensiya. Tuwang-tuwa pa ang isang ginang nang kargahin nito ang kanyang anak. Sa mga nakaraang promo tour ng “Jack Em Popoy” sa iba’t ibang parts ng bansa, talagang laging pinagkakaguluhan ang tatlong bida.
Isa sa mga nangunguna ngayon sa takilya ang 2018 MMFF entry na “Jack Em Popoy: The Puliscredibles.” Punung-puno palagi ang sinehang nagpapalabas nito. Meaning, hindi lang sa TV winner ang Teleserye King na si Coco Martin kundi maging sa pelikula.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.