Inigo Pascual nag-iipon para mabigyan ng house & lot ang ina | Bandera

Inigo Pascual nag-iipon para mabigyan ng house & lot ang ina

Reggee Bonoan - December 23, 2018 - 12:25 AM


NANG una naming makapanayam si Inigo Pascual sa launching movie nilang “Relaks, It’s Just Pag-Ibig” apat na taon na ang nakararaan ay pansin na naming mabait siyang bata at kahit sa Amerika siya lumaki ay nananatiling Pinoy ang ugali kahit na Inglesero.

Ang nanay ni Inigo na si Donabelle Lazaro ang tanging kasama ng aktor habang lumalaki siya sa Amerika dahil ang amang si Piolo Pascual ay sa Pilipinas naman nakabase.

Nagkakaroon ng panahong madalaw ni Piolo si Inigo sa Amerika kapag may sapat siyang bakasyon o meron siyang TFC shows at sume-segue na rin sa pagdalaw sa anak.

Sabi ni Inigo busog siya sa pangaral ng ina mula pa noong bata siya kaya naman marunong talaga siyang gumalang sa lahat.

Nabanggit pa noon ni Inigo na kapag hindi siya nag-click dito bilang singer at aktor ay babalik siya sa Amerika para ituloy ang pag-aaral at ang singing career na noo’y napasama sa isang banda na magkakaroon ng tour sa iba’t ibang cities sa Amerika.

Pero mas gusto ng aktor na makasama ang ama kaya nang magdesisyon siyang dito na lang sa Pilipinas manatili dahil sa ganda na rin ng career ay tuwang-tuwa siyempre si Piolo dahil makakasama na niya parati ang anak.

Magkasama sa bahay sina Inigo at inang si Donna at lagi rin nitong sinasamahan ang anak sa mga commitment nito.

Kaya nang mabasa namin na nag-iipon si Inigo para bilhan ng bahay ang ina ay hindi na kami nagtaka dahil matagal nang nasabi ito ng aktor sa amin. Pangarap talaga niyang regaluhan ng malaking bahay ang kanyang nanay.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending