Catriona Gray pilit ibinabagsak ng mga kapwa Pinoy | Bandera

Catriona Gray pilit ibinabagsak ng mga kapwa Pinoy

Cristy Fermin - December 21, 2018 - 12:01 AM


UNA ay ang pagbubunyi. May lagnat ang buong bansa sa pagmamalaki kay Catriona Gray, ang nag-uwi ng korona bilang Miss Universe, sikat na sikat na naman ang Pilipinas sa mapa ng buong mundo.

Ilang araw na pagbubunyi, hanggang sa may paisa-isa nang lumalabas na negatibong komento tungkol kay Catriona, hindi raw naman siya tunay na Pilipina dahil sa Queensland, Australia siya lumaki.

Nagwagwagan na ang mga dila ng mga walang magawa, makakontra lang sa pagsasaya ng ating lahi, kung anu-ano nang kuwento ang kanilang pinalulutang para lang makurot-masaktan ang matagumpay na binibini.

Taal na Bicolana ang ina ni Catriona, Australyano naman ang kanyang ama, pero kung titimbangin ang dugong nananalaytay sa kanyang ugat ay Pinoy na Pinoy ang reyna.

Sana nga ay maging maligaya na lang tayo na may isang kababayan na naman tayong nagsulat ng pangalan ng ating bansa sa isang daigdigang labanan.

Sana ay suportahan na lang natin ang dalagang bago kinoronahan ay napakaraming pinagdaanang pagsubok. Bitbit lang niya ang tapang ng isang dugong Pinoy kaya habang nasasaktan siya ay lalong tumatapang.

Tama na ang pambabagsak sa sariling atin. Namnamin na lang natin ang tagumpay ni Catriona Gray.

Tama na ang mga negang komento dahil tapos na ang laban, wala nang solian ng korona, kung ‘yun ang ikaliligaya nila.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending