8 Christmas movies that could warm your heart
Nakapanood ka na ba ng pelikulang may tema ng Pasko o ang mga kwento na nangyari sa panahon ng Kapaskuhan?
Narito ang walong pelikulang pang-Christmas na pwedeng panoorin ngayong holiday season.
1. Home Alone (1990)
Starring: Macaulay Culkin
Director : Chris Columbus
Paskong-pasko pero bad trip ang batang si Kevin, ang pinakabata sa pamilyang McCallister. Nang pagalitan na naman siya ng kanyang nanay, ay nag wish ito na sana mawala ang pamilya nya. Nagkatotoo naman ang kanyang hiling at naiwang mag-isa sa bahay. Napalapit sa puso ng lahat ang Christmas movie na ito na tungkol sa isang batang ipagtatanggol ang kanyang bahay laban sa makukulit na magnanakaw.
2. How the Grinch Stole Christmas (2000)
Starring: Jim Carrey
Director: Ron Howard
Ayaw ng Grinch sa Pasko. Ang kaso, paburito ito ng Whoville at ang mga residenteng mga Who na kinaiinisan din nya. Susubukan nyang sirain ang Pasko ng Whoville sa pagnakaw ng mga regalo nito. Pero sa huli ay may matutunan na leksyon si Grinch: na hindi regalo ang sentro ng Christmas.
3. It’s a Wonderful Life (1946)
Starring: James Stewart, Donna Reed
Director: Frank Capra
Isang malungkot na simula ang takbo ng istorya ng “It’s A Wonderful Life” dahil tungkol ito sa suicide ng isang lalake. Isang angel naman ang susubukan na i-redeem siya sa pamamagitan ng pagpapakita ng mga mangyayari sakaling hindi siya ipinanganak. Isang kwento kung paano ang isang tao ay nakakaapekto sa buhay ng nakakarami, isang nakakataba ng puso ang kwento nito na dapat ay mapanood mo in this lifetime.
4. The Santa Clause (1994)
Starring: Tim Allen
Director: John Pasquin
Anong mangyayari kung sakaling maaksidente si Santa? Aba, dapat may pumalit sa kanya! Ganyan ang nangyari kay Scott, tatay ni Charlie na malakas ang paniniwala kay Santa. Feel good ang pelikulang ito na may comedic approach kung saan ang isang ordinaryong tao ay biglang naging si St. Nick.
5. Love Actually (2003)
Starring: Hugh Grant, Liam Neeson, Colin Firth, Laura Linney
Director: Richard Curtis
Sampung kwento ng iba’t-ibang klase ng pag-ibig na magkakarelate ang kwento ng Love Actually, na naging paburito ng marami tuwing Christmas dahil sa pagiging isang magandang good vibes nit.
6. Miracle on 34th Street (1947)
Starring; Maureen O’Hara, John Payne, Edmund Gwenn
Director: George Seaton
Ini-insist ng isang department store Santa na si Kringle na siya ay ang tunay na Santa Clause. Hindi siya pinaniniwalaan na marami, pero ano kaya itong mga kakaibang ‘milagro’ na nagagawa nya para sa mga taong nakapaligid sa kanya?
7. Elf (2003)
Starring : Will Ferrell
Director: Jon Favreu
Out of place sa mga elves ni Santa si Buddy. Siya lang kasi ang nag-iisang sobrang laki sa kanila. Nalaman nya na isa pala siyang tao at hindi elf, at may pamilya pa siya. Nang malaman nya na nasa naughty list ang kanyang tatay, susubukan nyang pabaitin ito at mapaniwala sa diwa ng Pasko
Hide original message
8. The Polar Express (2004)
Starring: Tom Hanks
Director: Robert Zemeckis
Ang animated film na ito ay tungkol sa paniniwala ng isang bata kay Santa na unti-unting nawawala hanggang sa isang gabi ay makasakay siya sa mahiwagang tren na Polar Express. Dito makikilala nya ang iba’t ibang bata na pasahero gaya nya at mga taong magbabalik ng tiwala nya sa diwa ng Pasko.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.