DUMATING na ngayon ang inorder na bagong traction motor armatures na ikakabit sa mga tren ng Metro Rail Transit 3.
Ayon sa Department of Transportation-MRT3, ang dumating na 40 bagong armature ay bahagi ng ikalawang batch ng mga piyesa na binili upang maayos ang mga lumang tren.
Ang mga armature ang ‘primary rotating part’ ng isang motor, na ginagamit upang magtuloy-tuloy ang daloy ng kuryente sa tren.
Noong Marso dumating ang unang batch ng delivery ng mga armature. Nakakabit na ang 24 ito sa mga tren.
Sa kabuuang ay 296 traction motor armatures ang binili ng DOTr MRT-3 sa P169.89 milyon. Sa susunod na taon inaasahang darating ang kabuuang ng mga biniling piyesa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.