Janno Gibbs pumalag sa kumalat na video scandal: Paliwanag ko minsan ang side ko
NAG-REACT si Janno Gibbs sa video scandal na kinasangkutan niya diumano matapos na magbigay ng kanyang opinion tungkol dito si Lolit Solis.
“Kaloka naman iyon balita kay Janno Gibbs kung kelan pa mga dalaga na mga anak at para bang hindi mo paniniwalaan magagawa ni Janno. Siguro hindi alam ni Ronaldo Valdez kung ano ang gagawin paano nagkaroon ng ganitong scandal si Janno, and how Bing Loyzaga will handle the situation.
“But for sure, more than Ronaldo, Bing mas malakas impact nito sa 2 babae anak ni Janno. But this also will just pass, midlife crisis siguro ni Janno, wala naman sinaktan tao, hindi naman nakasakit, hindi lang naging maingat. Mabait kasi si Janno, mahusay makisama, kung may mga ganitong pangyayari, palagpasin lang at babalik sa dati.
“Just pray na ma-overcome niya kung anuman mga demons na nasa loob niya na gumugulo sa utak niya. Let’s pray for Janno.”
That was Lolit’s caption sa kanyang Instagram account to which Janno answered, “Salamat Manay @akosilolitsolis. Paliwanag ko minsan side ko. Labyu.”
Ang tinutukoy siguro ng veteran entertainment columnist and manager ay ang alleged video ni Janno na kuha sa loob ng isang banyo. Naghubo’t hubad ang lalaki sa video at buong-pagmamalaking ipinakita ang kanyang pagkalalaki. Lumapit pa ito at humalik sa camera.
Marami ang nag-comment na si Janno raw talaga ang nasa video dahil bukod sa maliwanag sa loob ng CR ay kamukhang-kamukha niya ito.
Anyway, kung totoong siya nga ang nasa video, siguro ay mas mabuti nang huwag nang ungkatin dahil lilipas din ‘yan. Just let it die a natural death. Makakalimutan din ‘yan ng sambayanan.
q q q
Pinaglaruan ni Ethel Booba ang Miss Universe question kay Catriona Gray, our fourth Miss Universe.
Sa tanong na “What is the most important lesson you’ve learned in your life, and how would you apply it to your time as Miss Universe?”, Catriona answered it with conviction as she said, “I would bring this aspect as a Miss Universe to see situations with a silver lining and to assess where I could give something, where I could provide something as a spokesperson.
“If I could teach people to be grateful, we could have an amazing world where negativity could not grow and foster and children would have smiles on their faces.”
For Ethel, she answered it this way, “I have worked alot in the slums of Tondo Manila and the life there is very poor, and its very sad to know that fake news affect our place. As #MissUniverse I will fight for that by reading on legit news app like #SnippetMedia. Charot!”
She added, “Ang haba masyado ng sagot hindi na kasya. Hirap na hirap pa naman ako iGoogle yung mga sagot ko. Charot! #MissUniverse #MissUniverse2018!”
Ito pa ang isang tweet ni Ethel na talagang ikinahagalpak ng maraming netizens, “Pinagpipilian kaming dalawa ni Mystica na ilaban sa bansang LAOS. Charot!”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.