Davaoeño natulala nang hawakan ni Maine: ‘The best 5 seconds of my life!’
NAGLABAS ng traffic advisory ang Cebu city government kaugnay ng naganap na motorcade nina Vic Sotto, Coco Martin at Maine Mendoza sa filmfest movie nilang “Jack Em Popoy.”
Pagdating naman sa Davao City, isang video ang lumabas sa social media kung saan kitang-kita ang nagsisiksikang mga tao habang pasakay sa van sina Bossing, Coco at Maine.
Isang netizen (@KDCMurio) ang nakipagsiksikan
upang makita nang malapitan ang nag-iisang Dubsmash Queen. Natulala nga lang siya nang makita at hawakan ng Phenomenal Star ang kanyang kamay.
“Face to face but I couldn’t bring myself to say hi. You just took my breath away after 5 seconds, or so, I reached out to you and for 5 seconds, it might be by accident.
“But it was undoubtedly the best 5 seconds of my life @mainedcm,” ang caption na ipinost ng fan ni Meng sa video.
Matapos magpasalamat sa Cebuanos na dumagsa sa parade at mall show, pinasalamatan din ni Meng ang Davaoeños na naging mainit din ang pagtanggap sa kanila base na rin sa mga kumalat na photos sa social media.
“Daghang salamat, Davaoneos! Sana nag enjoy kayo sa concert namin ni Bossing! (charot!). Haha Ingat kayong lahat pauwi! #JakEmPopoyFeverSaDavao,” tweet ni Maine.
Samantala, tuwang-tuwa naman ang AlDub Nation dahil maging si Alden Richards ay nagtu-tweet ng mga ganap ni Meng sa Cebu at Davao, huh! Isang patunay lang daw ito na walang nabago sa relasyon ng dalawang Dabarkads sa kabila ng mga kenegahang balita about them.
Siyempre, umaasa pa rin ang solid members ng AlDub Nation na darating din ang tamang panahon na muling magkakasama sa isang proyekto ang tambalang minahal na ng buong universe.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.