MAPAPANOOD na ngayong umaga ang laban ni Catriona Gray sa Miss Universe coronation night sa ABS-CBN LIVE mula sa Muang Thong Thani, Thailand at sa libreng livestreaming sa iWant app.
Eere naman ang replay ng Miss Universe sa Sunday’s Best ng ABS-CBN after ng Gandang Gabi Vice sa Dec 23. Samantala, maa-access naman ang libreng livestreaming sa iWant sa pag log-in sa iwant.ph at sa iWant app sa iOS at Android.
Bukod sa free-to-air channel ng ABS-CBN, mapapanood din ang beauty pageant sa SKYcable sa Metro Channel sa Dec. 24, 3 p.m. at sa di-gital TV gamit ang ABS-CBN TVplus.
Isa sa mga pinakasikat na kandidata sa internet si Catriona at marami na ring beauty pageant expert ang nagpahayag na malaki ang tsansa ng Filipino-Australian na masungkit ang korona. Naging matunog ang kanyang pangalan pagkatapos ng kanyang trending performance sa swimsuit at long gown competition sa ginanap na pre-pageant.
Pipiliin ang Top 20 base sa kata-tapos lang na preliminaries, na ihahayag ngayong Lunes. Magkakaroon ng tig-limang representante ang bawa’t rehiyon sa mundo – Europe, North America, South America, at Asya at Africa.
Magsisilbing host ng presihiyosong pageant ang komedyanteng si Steve Harvey at supermodel Ashley Graham, habang sina Carson Kressley at runway coach Lu Sierra ang magbibigay ng komentaryo. Magkakaroon din ng espesyal na numero ang R&B superstar na si Ne-Yo.
Samantala, naniniwala rin si Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach na malakas ang laban ni Catriona. Sa kanyang Instagram account, sinabi ni Pia na ipinagdarasal niya na manalo si Catriona sa 67th edition ng Miss U.
Ani Pia, “Praying for good weather, world peace, and…….for Catriona to win Miss Universe! Pianatics, let’s do this. Let’s support our Miss Universe! Philippines.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.