Jin Goo, Seo Eun Soo bibida sa remake ng Japanese drama na ‘Legal High’

December 17,2018
share this

Jin Goo, Seo Eun Soo bibida sa remake ng Japanese drama na ‘Legal High’

December 17,2018
share this

KOREAN word of the week: “Jeog-eo juseyo” – sa Ingles ito’y nanga-ngahulugan ng, “Please write it down.”

q q q

Bibida ang isa sa mga lead actors ng blockbuster Korean drama na Descendants of the Sun na si Jin Goo sa remake ng Japanese series na Legal High.

Makakasama ni Goo ang isa sa mga bida ng isa pang Korean hit series na My Golden Life na si Seo Eun Soo.

Kwento ito ng dalawang magkaibang ugali na abogado. Gaganap si Goo bilang Go Tae Rim na 100% naipapanalo lagi ang mga kaso dahil marunong siyang makipaglaro sa batas habang si Eun Soo naman ay si Seo Jae In, isang baguhang abogado na naniniwala sa pagpapairal ng batas at hustisya.

Magiging mag-partner sila bilang abogado at dito na iikot ang kanilang love story. Nakatakdang mapanood ang Legal High sa Pebrero, 2019.

 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending