Kylie, Aljur 3 linggo lang naghanda para sa kasal | Bandera

Kylie, Aljur 3 linggo lang naghanda para sa kasal

Ervin Santiago |December 16,2018
facebook
share this

Kylie, Aljur 3 linggo lang naghanda para sa kasal

Ervin Santiago - December 16, 2018 - 12:40 AM

ALJUR ABRENICA AT KYLIE PADILLA

Tatlong linggo lang na inayos nina Kylie Padilla at Aljur Abrenica ang kanilang kasal.

Ayon sa Kapuso actress, kahit na limitado ang kanilang panahon sa preparasyon, natupad din ang kanyang dream wedding, “Medyo over the top, pero oo, dream wedding ko siya.

“Itong wedding na ‘to ‘yung totoong date was November 11 but hindi ko na-plan and then i-move sana namin ng February pero sabi ko, ‘Kaso wala na ‘yung family ko.’ Gusto ko talaga ‘yung family namin nandito.”

“Hindi ko kayang ikasal nang wala ‘yung family ko, as in ‘yung family ko na ‘yung mga kapatid ko, my mom and of course his side. I don’t think I’ll feel as happy kung wala sila doon. So pinauwi ko talaga sila,” aniya pa.

Sabi pa ng misis ni Aljur sa panayam ng GMA 7, “Kapag sinasabing happy ending (kasal namin) sabi ko, no, it’s only just the beginning.”

“Napag-usapan namin na hindi mo makakalimutan ‘yung sarili mo. Hindi ko makakalimutan ‘yung sarili ko. But we’re still gonna fight for this,” pagbabahagi pa ng Kapuso actress tungkol sa relasyon nila ni Aljur.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending