Ricci Rivero mabait sa bashers: Baka kasi mali rin ako
MAGANDA pala ang stance ni Ricci Rivero pagdating sa mga bashers.
“Open ako doon sa mga nagsasabi sa akin. I know meron din naman akong bashers. ‘Yung sinasabi nila I don’t take it as a negative thing. Iniisip ko ang sinasabi nila or ano ba talaga ang gusto nilang iparating sa akin. Baka naman mali talaga ako.
“Gusto ko rin namang baguhin kung ano ang gusto nilang iparating sa akin. Hindi ako perfect so I know really kung ano ang dapat kong gawin. I decided to listen sa mga nakakatanda sa akin,” say niya sa presscon ng “OTLUM”, one of the official entries sa 2018 MMFF.
Since first movie niya ang “OTLUM”, he admitted he had to do some adjustments.
“Nandoon ang kaba at pagkapa. We are really trying to step up in a way pero alam kong kukulangin kasi ‘yung experience is bare. Experience is important in every way kasi ‘yun yung magga-guide sa tao on how to handle things,” he said.
When asked kung bakit siya pumasok sa showbiz, he said, “Actually, pumasok po agad sa…parang nag-function sa utak ko na baka ito na ‘yung chance na puwede ko nang i-try (ang showbiz) kasi kahit hindi ko siya i-try ngayon ay baka busy na ako sa basketball which is ‘yung priority ko naman talaga kasi without basketball wala naman ako talaga.
“Nu’ng sinabi ni direk at ng manager ko, sinabi ko na open ako na i-try ito kasi fan ako ng Tagalog movies,” he added.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.