AlDub Nation muling pinatunayan ang bagsik sa Twitter, target na 1B tweets na-achieve!

By Jun Nardo December 14,2018
share this

AlDub Nation muling pinatunayan ang bagsik sa Twitter, target na 1B tweets na-achieve!

By Jun Nardo December 14,2018
share this

ALDEN RICHARDS AT MAINE MENDOZA

RAMDAM na ramdam muli ang bagsik sa Twitter ng AlDub Nation. Aba, tagumpay na na-achieve ng ADN ang target nilang 1 billion tweets sa Twitter nu’ng Miyerkoles, huh!

Record-breaker muli ang ginawa ng mga fans nina Alden Richards at Maine Mendoza. Hindi na kailangang pagdudahan pa ang pagiging halimaw ng fandom sa social media.

Kaya naman year after year eh, nangunguna pa rin sa most tweeted loveteams sa bansa ang AlDub simula noong magsimula ang Kalyeserye ng Eat Bulaga hanggang ngayon kahit na may kanya-kanya ng project sina Alden at Maine.

For sure windang na naman ang Twitter PH sa lakas ng puwersa ng ADN. Another feather in their cap ang nahamig na tweets gamit ang hashtag na #AlDub.

Ilabas na ang tambol at magbunyi dahil walang puwedeng dumaig sa kakayahan ng AlDub pagdating sa pagkakaisa!

Mabuhay ang AlDub Nation!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending