'Hayop talaga si Joshua Garcia, iyak ako nang iyak!' | Bandera

‘Hayop talaga si Joshua Garcia, iyak ako nang iyak!’

Cristy Fermin - December 14, 2018 - 12:45 AM

JOSHUA GARCIA

Minsan pang pinalakpakan ng manonood ang magaling na young actor na si Joshua Garcia sa maraming eksena sa seryeng Ngayon At Kailanman na pinagbibidahan nila ni Julia Barretto.

Lumutang ang husay sa pagganap ng young actor, ‘yung pag-arteng kanyang-kanya lang, ‘yung klase ng acting na napakanatural.

Mapaghamon ang mga eksena ni Joshua, namatay ang kanyang ama na ginagampanan ni Christian Vasquez, nang ideklarang patay na ito ay du’n na nagsimula ang nakapangingilabot na pag-arte ni Joshua na maikukumpara mo sa tunay na namatayan.

Sabi ng kaibigan namin sa kabilang linya, “Iyak ako nang iyak, hayup naman kasi itong si Joshua Garcia, sobrang galing umarte! Naiinis ako! Iyak ako nang iyak!

Sa panonood kay Joshua Garcia habang umaarte siya ay parang nagiging saksi ka sa isang emosyonal na eksena habang humahagulgol ang anak sa pagkamatay ng kanyang ama.

Parang hindi ‘yun nagaganap sa isang serye lang, parang nandu’n ka mismo sa tabi nilang mag-ama, parang sa totoong buhay nagaganap ang lahat-lahat.

Ngumunguyngoy siya na parang bata. Pagkatapos ay matutulala siya na para bang wala nang saysay ang buhay para sa kanya.

Sa mga kabataang aktor ngayon ay walang kapantay si Joshua Garcia. Walang makakaplakado sa kanyang pag-arteng hindi umaarte.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending