National costume ni Catriona sa Miss Universe 2018 idi-display sa iba’t ibang museum sa Pinas
Hindi pa man ginaganap ang grand coronation night ng 2018 Miss Universe ay winner na winner na agad ang ating bet na si Catriona Gray.
Bukod sa pagiging isa sa mga favorite candidate ng mga netizens all over the world, may good news pang natanggap ang dalaga matapos ibandera ang kanyang national costume para sa 67th edition ng Miss U na nagre-represent sa cultural diversity ng Pilipinas.
Pinuri ng National Quincentennial Committee si Catriona at ang kanyang glam team “for capturing the thousands of years history and heritage of the Filipino people.”
Dahil dito, iniimbitahan si Catriona para sa “unveiling of the Philippine Quincentennial Commemorations logo” sa Dec. 21. Interesado rin ang committee na i-display ang national costume ni Catriona sa Museum of Philippine Social History sa Angeles City at pari na rin sa Museum of Philippine Political History sa Malolos, Museo ni Emilio Aguinaldo sa Kawit, at Museo ni Jose Rizal sa Fort Santiago.
Ipinost ni Catriona ang kopya ng nasabing liham sa kanyang Instagram Stories at aniya, “This is surreal.”
Ayon sa dalaga, napakaraming symbolism ng kanyang national costume, lalo na ng napakalaking parol sa kanyang likod na aniya’y gawa sa Apalit and inspired by designs from the Philippine Baroque Churches that were declared as UNESCO Heritage Sites.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.