Barbie kay JM: Siguro hindi talaga kami para sa isa’t isa
NAGSALITA na si Barbie Imperial tungkol sa break-up nila ni JM de Guzman. Aniya, hindi lang siguro talaga sila para sa isa’t isa.
“May mga nangyari lang talaga. Pero siguro hindi talaga kami meant. Napag-usapan naman na ‘yung nangyari. Napag-usapan na okay lang. Sa akin naman okay lang kung ano talaga,” ani Barbie sa panayam ng ABS-CBN.
“Parang ako kasi hindi ako ‘yung ‘Hindi. Ipilit ko parang ganu’n. Ipilit natin ganu’n baka pwede pa’. So nag-usap kami after ng nangyari. Sabi ko ‘Hindi wala tapos na ‘yun. Okay na ‘yun’,” aniya pa
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.