Senador namigay ng kotse, gadget, cash | Bandera

Senador namigay ng kotse, gadget, cash

Den Macaranas |December 12,2018
facebook
share this

Senador namigay ng kotse, gadget, cash

Den Macaranas - December 12, 2018 - 12:10 AM

WALANG umuwing luhaan sa naganap na Christmas party na ipinatawag ng isang senador noong nakaraang linggo.

Lahat ng mga dumalo na miyembro ng media na regular na nagko-cover sa Senado ay invited sa nasabing event.

Bukod sa bumaha ng pagkain ay bumaha rin ng papremyo courtesy ng ating bida.

Tulad nang inaasahan ay hindi naging matipid si Sir sa kanyang mga papremyo kung saan ay taon-taon naman niya ito ginagawa hindi lamang sa kanyang mga staff kundi maging sa mga miyembro ng media.

Pero kakaiba ngayong taon dahil isang brand new na kotse ang grand prize sa kanyang pa-raffle. Bukod sa kotse ay umulan rin ng iba pang papremyo tulad ng cash at mga gadgets.

Isang reporter mula sa isang daily tabloid ang pinalad na manalo ng bagong kotse ayon sa aking Cricket.

Kamakailan lang ay isang pa-contest rin sa mga miyembro ng media ang kanyang ginawa at ito ay tinawag na “biggest loser”.

Tumatanginting na P200,000 ang grand prize para sa may pinakamalaking naibawas na timbang sa loob ng ilang linggo.

Ikinatwiran ni Sir na isang uri lamang ng sharing ang kanyang ginagawa dahil sa mga biyayang kanyang tinanggap sa nakalipas na mga panahon.

Sinabi ng mambabatas na naging mabait sa kanya ang Panginoon at ibinabahagi lamang niya ang mga biyayang kanyang tinanggap.

Hindi na siguro kailangan pa ng mahirap na clue dahil kilalang-kilala naman ang bida sa ating kwento ngayong umaga.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ang senador na namigay ng bagong kotse sa nakaraang Christmas party sa Senado ay si Sen. M…as in Money.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending