Buwis-buhay na IG photo ni Anne sa Africa, may daya | Bandera

Buwis-buhay na IG photo ni Anne sa Africa, may daya

Ervin Santiago - December 12, 2018 - 12:05 AM


NAKAKABILIB talaga ang katapangan at pagiging adventurous ni Anne Curtis.

Kamakailan ay pinag-usapan sa social media ang kumalat na buwis-buhay photo ng TV host-actress na kuha sa world-famous Victoria Falls sa Zimbabwe.

Makikita sa litrato na ipinost sa Instagram ang misis ni Erwan Heussaff na nakahiga sa dulo ng Devil’s Pool ng Victoria Falls. Marami ang nag-alala para kay Anne dahil mukhang delikado raw ang ginawa niya. Pwede raw kasi siyang mahulog sa falls kung madadala siya ng alon.

Kahit nga ang ilag kilalang celebrities ay bumilib sa buwis-buhay IG pose ni Anne, kabilang na riyan sina Jed Madela, Dawn Zulueta, Erik Matti, Isabelle Daza at marami pang iba.

Sa nakaraang presscon ng 2018 MMFF entry ni Anne na “Aurora”, natanong ang Showtime host kung paano niya na-pull off ang ganu’ng kadelikadong G selfie.

“Alam ko maraming natakot, pero ang daya nu’n, kasi may nakahawak sa paa ko. May guide na kasama, so yun ang nakakatawa du’n,” unang paliwanag ng Kapamilya actress.

Pero safe ba talaga ang ginawa niya, “I wouldn’t say it’s totally safe. I mean, there’s just someone holding you, di ba?

“But they close that when it’s high season. So, pag mataas yung tubig, nakasara ‘yun,” hirit pa niya.
Bukod dito, nakihalubilo rin ang mag-asawang Anne at Erwan sa mga gorilla. Inamin ng actress-TV host na natakot din sila sa pagharap sa mga ito lalo na nang tabigin ng isang gorilla ang kanyang asawa.

“Lahat naman kami natakot, parang ginanu’n lang siya (Erwan). Pero wala ka kasing choice kundi maging submissive ka na lang at umupo ka na lang.

“But in nature, gentle naman sila, basta hindi ka magpakita ng threat to them,” chika pa ni Anne.

Samantala, excited na si Anne sa muling pagsali sa MMFF with ehr entry this year na “Aurora” directed by Yam Laranas under Viva Films. Siniguro ng TV host-actress na hindi masasayang ang perang ibabayad nila sa sinehan sa ganda ng kalidad at kuwento ng movie.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sabi nga ni Anne, level up ang pagka-horror-suspense-thriller ng “Aurora” at kakaiba talaga sa mga napanood na nating katatakutang pelikula.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending