Coco: Mataas ang respeto ko sa GMA, never akong magtatampo sa kanila! | Bandera

Coco: Mataas ang respeto ko sa GMA, never akong magtatampo sa kanila!

Alex Brosas |December 12,2018
facebook
share this

Coco: Mataas ang respeto ko sa GMA, never akong magtatampo sa kanila!

Alex Brosas - December 12, 2018 - 12:40 AM

SOBRANG napahanga ang fans sa very humble reaction ni Coco Martin sa aria ni Lolit Solis.

“Hindi naman ako maniniwala sa balitang ‘ban’ si Coco Martin sa GMA. Hindi naman siguro ganu’n ka-petty na ang co-star ni Vic Sotto sa filmfest movie niya hindi puwedeng banggitin ang pangalan.

“Baka naman may moment lang si Maine Mendoza kaya nalimutan banggitin ang pangalan ni Coco nang mag-promote siya. Imposible na hindi pagbigyan ng GMA si Coco dahil alam din ng lahat na sa 7 nag-umpisa ang career ni Coco Martin.

“Huwag na natin bigyang malisya na hindi siya nabanggit, baka may big pakulo para sa announcement ng naturang movie, malay natin, wait lang tayo. Sa bait ni Coco, sure ako mag-melt ang puso ng mga executives ng GMA, sina Lilybeth (Rasonable), Redgie (Magno), at Gigi (Santiago). Naku, excited iyan na personal makita si Coco Martin sa studio ng 7 noh, bet ko iyan.”

‘Yan ang say ni Lolit na buong pagpapakumbabang sinagot ni Coco ng, “Nay okey lang po yon at naiintindihan ko po sa sobrang taas ng respeto ko sa GMA dahil sila ang unang nagbukas sakin ng pintuan lalo napo si Sir Joey Abacan napakabait po nila sakin waya wla pong problema sa skin yon at kahit kailan hindi ako magtatampo sa kanila. Masaya na ako na natupad ko ang pangarap ko na makatrabaho po si Bossing at ganon din po si Maine.”

Sobrang napabilib ang fans sa humility ng bida ng “Jack Em Popoy: The Puliscredibles.”

“Hats off ako kay Coco. Ang bait niya, that’s why he’s so blessed for he’s kindhearted. Very humble despite his success and stature in the industry. Mabuhay ka Coco. Lalo mo akong pinahanga sayo.”

“Ma re-tweet nga itong napaka humble na response ng isang maginoong COCO MARTIN! Mabuhay ka! Nag-iisa ka. Wala kang katumbas!!”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending