Kris may hugot kay Vice; sobrang na-miss si Darla

December 11,2018
share this

Kris may hugot kay Vice; sobrang na-miss si Darla

December 11,2018
share this

SINAGOT ni Kris Aquino ang isa niyang Instagram follower na kumuwestiyon sa sinseridad ni Vice Ganda bilang isang kaibigan.

Nag-post kasi ang Queen of Social Media ng litrato nilang mag-iina sa IG kasama ang isa pa niyang kaibigan na si Darla Sauler na nakatrabaho niya noon sa Kris TV. May caption itong: “After taping, @darla visited us – it’s just so cute to see how ‘small’ Darla now seems next to kuya Josh and Bimb. We missed Darla. #Family.”

Isang netizen na may handle name na @jinna37415 ang nag-comment ng, “Darla seems more sincere than the baklang kabayo.” Hindi man binanggit ang pangalan ni Vice, pinaniniwalaan siya ang pinatatamaan ng netizen.

Komento pa ng isang follower ni Kris, hindi na siya natutuwa sa ginagawang panggagaya ni Vice sa pagsasalita ng mommy nina Joshua at Bimby sa Showtime at Gandang Gabi Vice.

Hindi ito pinalagpas ni Kris at sinagot ang comment ni @jinna37415, aniya, “I’ll address this once then we can all move on – it isn’t an issue w/ me anymore.

“I have never pretended w/ all of you that we are still close… the network i came from is a very insular world, and once you’re no longer part of that family, you create your own new world to shine in.”

“In a kinder world I wouldn’t be spoofed, much like in a barkada you have inside jokes & you’re all in on it so you all get what’s funny… but I’m no longer part of the ‘in’ group.

“I don’t think madalas pa naman akong na pu-punchline pa. so let’s leave things as they are & just gratefully recall the happy memories.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending