Horoscope, December 11, 2018

By Madam Sophia December 11,2018
share this

Horoscope, December 11, 2018

By Madam Sophia December 11,2018
share this

Para sa may kaarawan ngayon: Magkahalong tamis at ngiti ang bubungad sa araw na ito. Yong pag-ibig na akala mong patay na ay muling mabubuhay. Magalak ka at magsaya, dahil sa muling pagsibol ng dati ng ugnayan, dagdag na biyaya at mga pagpapalang pang materyal ang magiging kasunod. Mapalad ang 1, 13, 28, 34, 39 at 47. Mahiwaga mong mantra: “Jiva-Om-Gosvami.” Yellow at black ang buenas.
Aries – (Marso 21-April 19) — Sa pagpasok ng taong 2019 samantalahin ang bawat araw na dumarating upang pagkaperahan. Sa pag-ibig, hindi na kailangang hintayin ang Bagong Taon upang magpakatino, ipadama na ngayon pa lang ang labis na pagmamahal sa kasuyo sunod lang ng sunod sa iyo. Mapalad ang 3, 15, 24, 33, 39 at 42. Mahiwaga mong mantra: “Om-Mohaya-Aum-Mitra.” Pink at green ang buenas.
Taurus – (April 20-May 20) — Wag ng mag-isip ng mamahaling regalo sa kasuyo ngayong papalapit na ang araw ng kapaskuhan, ang masarap na romansa sa isang romantikong lugar ay sapat na. Sa pinansyal, talagang ganyan ang kapaskuhan magastos! Mapalad ang 6, 15, 24, 33, 37 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Om-Kurvan-Aum-Adhenan.” Lilac at magenta ang buenas.
Gemini – (May 21-June 21) — Sunggabang mabilis ang lahat ng oportsunidad na maaaring pagkaperahan. Sa pag-ibig, sabihin na agad sa minamahal na gusto mo siyang maka-date. Mapalad ang 5, 10, 23, 32, 41, at 48. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Savitri-Dosya-Om.” White at gold ang buenas.
Cancer – (June 22- July 22) — Mag-establish ng sariling career at negosyo upang lumago ang kabuhayan. Sa pag-ibig, sariling diskarte ang dapat upang lumigaya, wag ng makinig sa maling advice ng mga kaibigan. Mapalad ang 7, 9, 16, 27, 33, 40 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Vasudeva-Om.” Green at purple ang buenas.
Leo – (July 23 – August 22) — Kung paanong nagsasaya ang lahat ngayong nalalapit na kapaskuhan dobleng ligaya ang iyong mararanasan. Sa pinansyal tuloy ang paglago at pagdami ng pera. Sa pag-ibig, ang relasyon inaakala mong sa wala na mauuwi ay muling mabubuo at lalo pang iinit ng iinit sa susunod na mga araw. Mapalad ang 1, 10, 28, 32, 41 at 47. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Visnu-Purana-Om.” Gold at magenta ang buenas.
Virgo – (August 23 – September 22) — Gumising ng maaga at tapusin agad ang mga gawain sa ganyang paraan mas marami kang magiging oras sa mga bagay na maaaring pagkaperahan. Sa pag-ibig, hayaan mong ang kasuyo naman ang gumastos sa nalalapit ninyong pagde-date. Mapalad ang 5, 13, 23, 32, 41, at 48. Mahiwaga mong mantra: “Om-Yantra-Aum-Migeta.” Gray at violet ang buenas.
Libra – (September 23-October 23) — Sa pinansyal, kung umangat ang kabuhan nitong 2018, umasa kang pagsapit ng 2019, lalo pang mas maraming suwerte at magagandang kapalaran ang darating. Sa pag-ibig, may suwerte pa ring dulot ang kasuyong Aquarius. Mapalad ang 4, 19, 22, 32, 35 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Sol-Dasa-Om.” Gold at orange ang buenas.
Scorpio – (October 24 – November 21) — Dagdag na sipag ang dapat upang madagdagan din ang iyong kinikita. Sa pag-ibig, sipagan ang pagte-text ng sweet message sa minamahal upang matuloy na ang inyong Christmas date. Mapalad ang 7, 16, 28, 34, 34, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Govinda-Rama-Om.” Blue at red ang buenas.
Sagittarius – (November 22 – December 21) — Sunggaban ang inaalok na pag-ibig ng isang medyo matangkad na kayumangging nilalang, sa pakikipag-relasyon sa kanya, susuwertehin ka. Sa pinansyal habang lumalapit ang kapaskuhan, lalong uunlad at gaganda ang kabuhayan. Mapalad ang 3, 9, 21, 32, 37 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Sol-Dasa-Om.” Pink at orange ang buenas.
Capricorn – (December 22 – January 19) — Sa pinansyal ang pagiging tapat sa kausap ang pagsisimulan ng malaking kita at kayamaman. Sa pag-ibig, wag pagtangkaang isahan at lamangan ang minamahal, sa bandang huli ikaw din ang masasaktan. Mapalad ang 4, 10, 19, 36, 41 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Mohri-Om-Mohti.” Maroon at beige ang buenas.
Aquarius – (January 20 – February 18) — Bigyan ng ultimatum ang iyong sarili, upang magkaroon ng direksyon ang iyong buhay. Unahing tapusin agad ang mga bagay na pagkakaperahan. Sa pag-ibig, ipaunawa sa kasuyo na kailangan nyo ng yumaman at ito ay dapat ng simulan ngayon! Mapalad ang 2, 16, 25, 31, 40, at 46. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Sarva-Om-Dushta.” Yellow at green ang buenas.
Pisces – (February 19 – March 20) — Malamig ang panahon at ang malamig na panahon ay nagbibigay ng suwerte sa mga Pisces, kaya kusang lalago ang kabuhayan. Sa pag-ibig ay gayon din, lalo pang sasarap at tatamis ang pag-iibigan habang nalalapit ang kapaskuhan. Mapalad ang 7, 16, 25, 34, 43, at 48. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Narada-Nirayana-Om.” Green at pink ang buenas.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending