Miss Mexico waging Miss World 2018; Katarina Rodriguez ligwak
SI Miss Mexico Vanessa Ponce de Leon ang kinoronahang Miss World 2018 sa grand coronation night na ginanap last Saturday sa Sanya, China.
Ipinasa ni Miss World 2017 Manushi Chhillar ang korona kay Vanessa na siyang kauna-unahang Mexicana na nagwaging Miss World.
Itinanghal namang first-runner up si Miss Thailand Nicolene Pichapa Limsnukan. Nakasama rin sa Top 5 semi-finals sina Maria Vasilevich ng Belarus, Kadijah Robinson ng Jamaica, at Quiin Abenakyo ng Uganda.
Silang lima rin ang bumuo sa Continental Queens of Beauty, kung saan nagtanghal ang pageant ng isang Miss World winner sa bawat kontinenteng kasama sa Miss World 2018.
Miss World Europe: Belarus (Maria Vasilevich); Miss World Caribbean (Jamaica, Kadijah Robinson); Miss World Americas: Mexico (Vanessa Ponce de Leon); Miss World Africa: Uganda (Quiin Abenakyo); Miss World Asia and Oceania: Thailand (Nicolene Pichapa Limsnukan).
Hindi naman nakapasok ang kandidata ng Pili-pinas na si Katarina Rodriguez sa Top 30. Marami ang nalungkot sa pagkatalo ni Katarina sa pageant at meron ding nam-bash sa kanya dahil hindi man lang siya nakapasok sa Top 30.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.