‘The Last Empress’, ‘Encounter’ pukpukan sa rating

December 10,2018
share this

‘The Last Empress’, ‘Encounter’ pukpukan sa rating

December 10,2018
share this


PUKPUKAN sa ratings game ang The Last Empress nina Jang Na Ra at Choi Jin Hyuk at ang Encounter (da-ting Boyfriend) nina Song Hye Kyo at Park Bo Gum matapos maungusan sa unang pagkakataon ng una ang K-drama ng dalawang Korean superstar.

Base sa Nielsen Korea, nakakuha ang Last Empress sa episode nito noong Dis. 6 ng 7.9% at 10.5% rating, na i-tinuturing na personal best drama nito.

Nanguna ang Last Empress sa time slot para sa Mi-yerkules at Huwebes ng gabi. Bagamat naungusan sa unang puwesto, matatag naman ang viewership rating ng Encounter na nasa 9.3%, na kapareho sa nakaraang episode.

Umabot sa 10.6% ang pinakamataas na rating nito.

Nakilala si Na Ra sa mga hit K-drama na Fated To Love You, Go Back Couple at Hello Monster samantalang bukod sa Fated To Love You, napanood din si Jin Hyuk sa The Heirs, Pride and Prejudice, Tinnel, at Devilish Charm.

At sino ang hindi nakakakilala kina Hye Kyo at Bo Gum na parehong superstar sa Korea.

Umaarangkada na rin ang Memories of Alhambra nina Hyun Bin at Park Shin Hye na napapanood sa Netflix.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending