MayWard, DonKiss, LoiNie may silent war, Vice sure win sa MMFF | Bandera

MayWard, DonKiss, LoiNie may silent war, Vice sure win sa MMFF

Ambet Nabus |December 09,2018
facebook
share this

MayWard, DonKiss, LoiNie may silent war, Vice sure win sa MMFF

Ambet Nabus - December 09, 2018 - 12:02 AM

VICE GANDA

MAY “silent war” daw ang tatlong Kapamilya loveteams na kasama sa 2018 MMFF entry ni Vice Ganda na “Fantastica”.

Involved din sa “war” na ito ang mga generous at mayayamang supporters ng mga bagets na nangakong kakaririn ang pag-organize ng mga block screening para sa movie.

Bilangan kung bilangan ito ng mga fans na willing gumasta nang bonggang-bongga para lang maipakita ang pagmamahal at suporta mga iniidolo nilang loveteams.

Well, kung kami ang tatanungin, mukhang nakakalamang na sa laban ang MayWard (Maymay Entrata at Edward Barber). Proven na kasi ang lakas ng kanilang following dahil kahit sa social media ay ginagarantiyahan lagi ng mga fans ang kanilang tandem.

We still have to see kung gaano talaga kalakas ang DonKiss (Kisses Delavin at Donny Pangilinan) na grabe rin ang followers sa social media. Pero sure kami na hindi rin magpapatalo ang tambalang LoiNie (Loisa Andalio at Ronnie Alonte).

Lalo na itong si Ronnie na noon pa napapabalitang marami raw generous cougar supporters na willing ibigay ang lahat-lahat para sa batang actor-dancer.

Hmmmm, tiyak na ang wagi sa war of Kapamilya loveteams na ito ay si Vice Ganda, dahil sure win na ang festival entry niya sa fans ng mga kasama niyang bagets sa movie. Tapos meron pa siyang Dingdong Dantes at Richard Gutierrez!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending