Vice umaming inaatake pa rin ng nerbiyos kapag may entry sa MMFF
Hindi naman daw natin masisisi si Vice Ganda kung tawagin man siyang “sigurista” ng mga taong involved sa iba pang entries sa 2018 MMFF.
Bukod kasi sa mga leading man niya sa entry niyang “Fantastica” na sina Dingdong Dantes at Richard Gutierrez, isinahog din niya sa movie ang tatlo sa mga malalakas na loveteams sa bansa.
Nandiyan sina Donny Pangilinan at Kisses Delavin, Ronnie Alonte at Loisa Andalio at Maymay Entrata at Edward Barber. Kasama pa ang paborito niyang sina Ryan Bang at Bela Padilla plus ang award-winning actress na si Jaclyn Jose.
“Actually never ko namang naisip ang ganyan kasi kahit in the past naman, sanay na akong maraming kasamang artista. Siguro mas naging extra special lang ito dahil bukod sa totoong masaya ang experience namin during the shoot, walang matatawag na pasaway o pabida,” paliwanang ng Un-kabogable Star.
Kinatatakutan man sa box-office ang Vice Ganda starrer, pressured at ninenerbyos pa rin daw siya sa kalalabasan ng entry nila this year. Pero isa lang ang sinisiguro ni Vice, “Hindi masasayang ang pera at oras ninyo. Sure akong mababawasan, hindi man totally mawala ang mga nega bashing sa paligid.”
Well, gusto namin itong paniwalaan dahil sa trailer pa lang ay tawa na kami nang tawa. Honestly speaking, kumpara sa mga dati niyang movies, never naming naisip ang madalas sabihin sa mga comedy films na “basurang katatawanan,” dahil very po-sitive ang aura ng “Fantastica” para sa amin.
q q q
Wala naman sigurong masamang hangarin si Jessy Mendiola nang sagutin niya ang lumang isyu nila ni Enrique Gil matapos niyang aminin na doon nagsimula ang kanyang depresyon.
Very positive naman ang tinuran ni Jessy mula sa naturang insidente lalo pa’t ayon sa kanya, doon din nagsimula ang magandang relasyon nila ni Luis Manzano.
Hindi lang marahil naiwasan ni Jessy na balikan ang pangyayari dahil ang pagbangon umano niya mula sa mga negatibong naihatid sa kanya ng pangyayari ang “bumuo” sa kanyang pagkatao ngayon, at kasama nga riyan si Luis.
Sey nga ng isang kaibigan sa media, “Kailan ba ang best time na magkuwento o pag-usapan ang mga ganitong hindi napag-uusapang isyu kundi ngayon?” Ang tinutukoy ng aming kausap ay ang pagbabalik ni Jessy sa trabaho via the 2018 MMFF entry na ” The Girl In The Orange Dress.”
Gustuhin mang umiwas ng aktres, mauungkat at mauungkat pa rin ito pero malaya nang nasasabi ni Jessy na okay na okay na siya ngayon with her boyfriend around. “Yun ang naging magandang resulta ng isang hindi magandang pangyayari.”
Kaya kung sa ngayon ay kinukuyog muli si Jessy sa social media lalo na ng mga supporter ni Enrique, siguradong kayang-kaya na niyang harapin at labanan yan na isa sa mga naituro sa kanya ni Luis.
Malalaman naman natin kung may epekto ba ang kanegahang iyan sa Dec. 25 kapag nag-showing na ang “The Girl In The Orange Dress” from Quantum Films kung saan makakatambal niya si Jericho Ro-sales.
q q q
Napakara-ming mga raket nga-yon lalo na’t palapit na nang palapit ang Pasko.
Mabentang-mabenta ngayon ang mga singers, stand-up comedians, hosts at mga kilalang celebrities sa mga party at iba pang Christmas events.
Pero kakaiba ang drama ng isang young singer-actor na dapat sana’y magiging “bida” sa charity event ng isang NGO.
Handa na raw ang lahat pero nang malaman nitong makakasama niya ang isang dating kasama sa isang singing search at nakabanggaan niya kamakailan, ay nagpaabiso itong meron siyang ibang gagawin.
Ang kapwa niya singer ay nagkaroon na ng malaking break sa music scene matapos mag-hit ang kanyang single na naging theme song pa nga ng karamihan sa ating mga kababayan.
“Ayaw sigurong ma-witness na ma-upstage siya ng dating kasama at ngayo’y karibal. Obvious kasing sa lakas ng kanta ngayon ni ____ (name ng kasabayang singer), meron na itong mark na matatawag,” sey ng kausap namin.
Considering na siya ang top billing sa show, may insecurity pa pala ang singer na ito?
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.